Pilipino Ako, Hinding-hindi Susuko!
Tula ni: Patrick O. Opeña
Mahirap man ang pagdadaanan, pilit pa ring aabutin,
Hindi hadlang mga tinik para lamang sa mithiin.
Hindi na mabilang mga pawis na tumagaktak,
Pilipino Ako! Isisigaw sa mundo ang aking tatak,
Maipagmamalaki sa buong mundo itong mga kampeyon
Iba't ibang larangan at mga natatangi nilang ambisyon.
Kahanga-hanga ang matayog na mga lipad,
Magbigay ng karangalan ay kanilang hangad.
Nais ko silang tularan sa kanilang narating,
Ako'y magsisikap at magpakita ng galling.
Hindi ako bibitiw sa aking pangarap.
Pilipino ako! tagumpay ay malalasap.
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang mga aral na natutuhan mo sa nabasang tula?
2. Bakit mahalaga na malaman natin ang tagumpay ng iba?​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.