Questions


December 2022 1 4 Report
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. Tinatayang magagawa mo ito sa loob ng 5 minuto.


1. Alin sa mga sumusunod ang nangangahulugang pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas?

A. Pagkamakabayan
B. Pagkamaka-Pilipino
C. Pagkamakatao
D. Pagkamamamayan

2. Sino sa mga sumusunod ang maituturing na mamamayang Pilipino?

A. Si Ana na isinilang sa Amerika.
B. Si Maria na ang ama at ina ay kapwa mga Pilipino.
C. Si Carlos na anak ng mag-asawang Hapones na matagal nang naninirahan sa Pilipinas.
D. Si Donna na ang ama ay Chinese at ang ina ay Vietnamese na may malaking negosyo sa Pilipinas.

3. Sino ang HINDI maituturing na isang mamamayang Pilipino?

A. Ang isang batang may ama o ina na mamamayang Pilipino.
B. Ang isang taong isinilang sa Canada.
C. Ang isang taong mamamayan na ng Pilipinas bago pa pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987.
D. Ang mga dayuhang naging naturalisadong mamamayan ayon sa batas.

4. May dalawang uri ng ang pagkamamamayan: ang likas o katutubo at naturalisado. Ano ang ibig sabihin ng likas o katutubong pagkamamamayan?

A. Ang mga mamamayang anak ng isang Pilipino.
B. Ang mga mamamayang maaaring isa lamang sa kaniyang mga magulang ay Pilipino.
C. Ang mga mamamayang parehong mga Pilipino ang mga magulang.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

5. Aling prinsipyo ng pagkamamamayan ang naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng magulang?

A. Jus sanguinis
B. Pandarayuhan
C. Jus soli.
D. Naturalisado

6. Ayon sa ating batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng mga sumusunod MALIBAN sa isa.

A. Nakamit lamang niya ang kanyang pagka-Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
B. Naglingkod siya sa Sandatahang Lakas ng ibang bansa.
C. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit ng 21 taong gulang.
D. Naging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa.

7. Sino sa mga sumusunod na mga dayuhan ang maaaring mabigyan ng pribilehiyong maging Pilipino?

A. Si G. Miller na sumasalungat sa nakatatag na pamahalaan ng Pilipinas.
B. Si G. Choi na nagmamay-ari ng ilegal na pasugalan.
C. Si Gng. Tan na sumusuporta sa mga kaugalian at tradisyong maka-Pilipino.
D. Si Bb. Dy na mula sa bansang nagbabawal sa kanilang mamamayang maging naturalisadong mamamayan ng Pilipinas.

8. Si G. Smith na galing sa Amerika ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa Pilipinas. Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas. Ayon sa nabanggit, ano ang pagkamamamayan ni G. Smith?

A. Siya ay isang Pilipino.
B. Siya ay isang Amerikano.
C. Siya ay isang katutubong Pilipino.
D. Siya ay naturalisadong Pilipino.

9. Ang pagkamamamayan ay maaaring mawala at makamit muli. Ano ang angkop na paglalarawan sa pahayag?

A. Ito ay may katotohanan.
B. Ito ay opinyon lamang.
C. Ito ay walang katotohanan
D. Ito ay isang haka-haka

10. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga prinsipyo ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan?

A. Jus Soli at Jus Sanguinis
B. katutubo at naturalisado
C. Jus Soli at likas
D. Jus Sanguinis at naturalisado

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.