Questions


December 2021 2 8 Report
piliin ang tamang sagot
1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiya na bumibili rin. Binati mo siya at ikaw ay nagmano. *
1 point
TAMA
MALI
2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong Nanay. Nagmano ka at siya ay iyong pinatuloy. Tinawag mo si nanay ng pasigaw. *
1 point
TAMA
MALI
3. Inutusan ka ng iyong Tatay na pumunta sa iyong Lolo para maghatid ng ulam. Kumatok ka sa kanyang pintuan, at sinabing “Magandang tanghali po Lolo. Narito po ang ulam na ipinabibigay ni Tatay.” *
1 point
TAMA
MALI
4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana. Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si Aling Susan, ang Nanay ng kanyang kaibigan. Binati niya si Aling Susan nang maayos. *
1 point
TAMA
MALI
5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa bahay galing sa paaralan, magalang siyang nagsabi sa kanyang Nanay na gusto na niyang kumain dahil mag-aaral pa siya ng kaniyang mga aralin. *
1 point
TAMA
MALI
6. Gumamit ng po at opo kung nakikipag-usap sa nakatatanda sa iyo. *
1 point
TAMA
MALI
7. Huwag sumunod sa mga tuntunin sa inyong paaralan. *
1 point
TAMA
MALI
8. Sasama sa mga kaibigan nang hindi nagpapaalam sa mga magulang. *
1 point
TAMA
MALI
9. Papasukin at paupuin ang kahit sinong bisita. *
1 point
TAMA
MALI
10. Kapag nasa loob ng silid-aralan ay makipag-usap nang mahina sa katabi. *
1 point
TAMA
MALI
11. Gumagamit ng cellphone habang nagkaklase. *
1 point
TAMA
MALI
12. Huwag pansinin ang mga kaklase na nagtatanong sa iyo sa oras ng pagsusulit. *
1 point
TAMA
MALI
13. Magpapahinga sandali pagkatapos ng klase sa online at magpapatuloy sa gawain sa modyul. *
1 point
TAMA
MALI
14. Ilagay sa tamang basurahan ang mga basura. *
1 point
TAMA
MALI
15. Sundin natin ang mga tagubilin ng mga nakatatanda sa atin. *
1 point
TAMA
MALI
16. Ang malinis na kapaligiran ay nagdudulot ng kailinisan ng kaisipan at kalooban para sa maayos na pamumuhay. *
1 point
TAMA
MALI
17. Mapapanatiling maayos at ligtas ang pamayanan sa pamamagitan ng palagiang pakikilahok sa mga proyekto ng pamayanan para sa pangangalaga sa kalinisan. *
1 point
TAMA
MALI
18. Walang ipinatutupad na mga batas sa pangangalaga ng kapaligiran. *
1 point
TAMA
MALI
19. Kaaya-ayang pagmasdan ang malinis at maayos na pamayanan na nangangalaga sa kapaligiran. *
1 point
TAMA
MALI
20. Pagtulong sa pagwawalis sa paligid ng paaralan at di pagsusunog ng basura sa kalsada. *
1 point
TAMA
MALI
Captionless Image
Option 1
21. Sabado ng hapon. Naglalaro kayong magkakaibigan. Dumaan ang inyong guro sa harapan ninyo. Paano mo siya babatiin? *
1 point
A. Magandang hapon titser. Bakit kayo dito dumaan?
B. Magandang gabi po. Saan po kayo pupunta Ma’am?
C. Maganda ka pa sa araw Ma’am!
D. Magandang hapon po titser.
22. Alin sa mga sumusunod ang isang mabuting kaugalian ng mga Pilipino na dapat isabuhay at pahalagahan. *
1 point
A. Pagsunod sa tagubilin
B. Pagdabog kapag inutusan
C. Pagsabat sa usapan ng iba
D. Paglabag sa mga tuntunin
23. Bakit kailangan nating sundin ang mga tuntunin sa paaralan, tahanan at maging sa pamayanan? *
1 point
A. Upang maging matagal matapos ang gawain
B. Upang maging maayos ang takbo o daloy ng gawain
C. Upang maging mabait ang lahat
D. Upang maging mahigpit ang mga namamahala
24. Ano ang mangyayari saiyo kapag hindi ka sumunod sa tagubilin ng mga nakakatanda? *
1 point
A. Maaaring mapasama ang iyong buhay
B. Maaaring maging maayos ang iyong buhay
C. Magiging magaling ka paglaki
D. Magiging masayahin ka habang buhay
25. Alin sa mga sumusunod ang wastong gawain? *
1 point
A. Ginagawa ko nang buong puso ang pagtulong sa aking mga magulang upang mapagaang ang kanilang trabaho.
B. Ako ay responsable sa gawaing bahay dahil pinapahalagahan ko ang magandang turo ng aking mga magulang.
C. Tumutulong ako sa aking pamilya sa paglilinis upang maging maayos ang aming tirahan at kaaya-ayang pagmasdan.
D. Lahat ng nabanggit

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.