Questions


September 2022 2 1 Report
Piliin ang bilang ng mga pahayag nanagpapahiwatig ng pagsusuri sa mga impormasyong narinig o nabasa.

1. Nagtanong si Nestor sa kanyang tiyuhin na doktor tungkol sa sakit na COVID–19 para maliwanagan.

2. Inaway kaagad ni Annie ang kaniyang kaibigan dahil ipinagkalat daw nito na kaya siya nakakuha ng mataas na marka ay dahil nangopya siya sa katabi.

3. Nakikinig si Raul at Joy ng ulat panahon mula sa PAG-ASA para malaman kung totoo ang sinabi ng kanyang kaibigan na may paparating na bagyo.

4. Nag-panic si Harold dahil nabasa niya sa internet na darating na ang pinakamalakas na lindol o The Big One.

5.Narinig ni Martina mula sa isang kapitbahay na may darating na malakas na bagyo. Agad niya itong ibinalita sa lahat ng kanyang nakasalubong.

6. Nabasa ni Van mula sa pahayagan na may virus na lumaganap sa kanilang lugar. Nagsaliksik siya tungkol dito at nagtanong din sa kanyang mga magulang.

7. Kinukumpara ni Mika ang mga balitang napakinggan mula sa iba’t ibang himpilan ng radyo para makakuha ng tamang impormasyon.

8. Pinaniniwalaan ni Julio ang lahat nang sinasabi ng kaniyang iniidolong artista.

9. Sinusunod ni Mariel ang lahat nang nakikita at naririnig sa patalastas tungkol sa pag-iwas sa COVID-19.

10. Tuwang-tuwa si Benny nang mabasa sa internet na may dagdag sahod sila, pero nang tinanong niya ang may-ari ay napag-alamang fake news lang pala.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.