PETA #2 Sagutan ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa talata. Ang pamilya mo ay mahalaga. Binibigay nila sa iyo ang lahat ng mga pangunahing pangangailangan mo. Lalo noong ikaw ay bata pa, lahat ng pangangailangan mo kagaya ng pagkain, damit, proteksyon at pag-aaruga ay ibinigay sa iyo. At ang mas mahalaga, ipinakita nila sa iyo ang mga emosyonal na pangangailangan mo tulad ng pagmamahal, paglalambing, at pakikisama. Ang iyong pagkatao ay makikita sa klase ng pamilya na iyong kinalakhan. Ang pagmamahal at atensyon na ibinigay sa iyo ng mga magulang mo ay nakakaapekto sa pagtingin mo sa iyong sarili. Ang mga pamilyang may konsiderasyon ay nagbubunga ng mga miyembro na madamdamin sa pangangailangan ng ibang tao. Ang isang pamilya na mapagpaumanhin at mapang-unawa ay magbubunga ng miyembro na mabubuti ang personalidad. Mga Tanong: 1. Batay sa talata, anu-ano ang mga pangunahing pangangailangan ang ibinibigay sa pamilya? 2. Anu-ano ang mga emosyonal na pangangailangan ang kailangan ng batang tulad mo? 3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang pamilyang may konsiderasyon, mapagpaumanhin at mapang-unawa? 4. Paano mo ilalarawan ang iyong pamilya? Rubriks
Pls pakisagutan nang maayos pls nman
Answers & Comments
1. pagkain damit proteksyon at pag aaruga
2.pagmamahal paglalambing at pakikisama
3. upang maging masaya ang buong pamilya
4. ikaw na dyan andyan lang ung sagot magbasabasa lang minsan sana makatulong