Perseverance Rover, nakalapag na sa Mars
Ni Catherine L. Andrade, San Guillermo NHS
Sinimulan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang paggalugad sa
planetang Mars matapos na nakalapag ang Perseverance Rover noong Pebrero 18. Inilunsad sa
kalawakan ang Perseverance Rover noong Hulyo 2020 na may 7-foot long robotic arm at pitong
magkakaibang instrument sa agham.
Layunin ng dalawang taong misyon sa eksplorasyon sa planetang Mars ay ang paghahanap ng
mga
bakas ng sinaunang buhay o bakas ng microbial life at mangolekta ng Martian rocks at sediment
at maidala ito sa ating planeta.
Pinakahihintay din sa misyong ito na masagot ang mga tanong tungkol sa kasaysayan at
ebolusyon ng Mars, gayundin ito ay isang mahalagang hakbangin patungo sa layunin ng NASA na
magpadala ng mga tao upang galugarin ang pulang planeta.
"I'm amazed that everything went pretty much according to plan”, ani Steve Jurczyk
NASA's acting administrator.
Nakalapag ang Perseverance rover sa Jezero Crater na nasa hilaga lamang ng equator ng
Martian at sinasabing may sinaunang ilog na dating dumadaloy dito.
“We expect the best places to look for biosignatures would be in Jezero's lakebed or in
shoreline sediments that could be encrusted with carbonate minerals, which are especially good at
preserving certain kinds of fossilized life on Earth", sambit ni Ken Williford, ang deputy project
scientist ng
Perseverance mission
Angkop na Salita Para sa Balita
Salitang Hindi Angkop sa Balita
Answers & Comments
Answer:
ay teka lang alam ko sagot nyan study well ka po
Explanation:
sige continue studying ka na po have a good luck