Performance Task No. 3 Panuto Gumawa ng isang sanaysay na may tatlong talata (may simula, gitna at wakas) tungkol sa modular distance learning o pag-aaral gamit ang modules at iba pang karagdagang materyal . Gawing gabay ang rubrik sa ibaba sa pagwawasto:
Answers & Comments
Answer:
MODULAR O DISTANCE LEARNING
Bilang isang mag-aaral ang modular distance learning ay napakahirap ngunit sinisikap ko pa ring gawin lahat ng aking makakaya upang matapos lahat ng ipinapagawa ng guro. Mahirap sa parteng kapag mayroong hindi ka maintindihan kailangan mong magtanong o magresearch tungkol sa di ko maintindihan, hindi tulad ng dati magtatanong ka lang sa guro at sasabihin niya na kung paano. Mahirap din yung kapag wala kang internet o load wala kang magagamit kapag may online class man kaya hindi makakaattend.
Sa kabila ng pagtitiis ko dahil sa pandemya nagbubunga din naman lahat, nagiging masaya ako sa nagagawa ko kasi nagagawa kong matapos lahat ng nakalaan na aralin sakin ng ako lang. Kahit na nakakapagod gawin lahat ng nakalaan na mga aralin nagagawa ko pa ring matapos. Minsan nagtatanong ako kila mama at papa kapag may mga tanong na alam nila na hindi ko àlam kung paano sagutin.
Minsan si mama ay busy sa trabaho at sa business nagagawa niya pa rin akong turuan kapag wala masyadong ginagawa. Lahat ay ginagawa ko upang matapos lahat ng aralin ko kahit minsanay napakarami dahil alam kong hindi lang naman ako ang nahihirapan pati rin ang mga guro kasi sila yung nagbabagi ng mga modules at sila yung nagtsetsek ng gawa namin. Minsan gabing-gabi na rin akong matulog para matapos ako kaagad at maipasa sa tamang oras at panahon ang mga aralin ko pero ok lang atlis masaya rin ako sa ginagawa ko.