Questions


September 2022 1 1 Report
Performance Number 2 (50 pts.): Ano ang naintindhan mo sa nabasa mo? Paano mo ito iaaply sa buhay mo bilang isang nagbibinata at nagdadalaga? Gawan ito ng maiksing Video na hindi bababa ang haba sa 3 minuto...Saan ipapasa? sa account mismo ni Sir.. me tanong ka? Pm mo lng ako nak...
DEADLINE: NOVEMBER 19, 2021- FRIDAY


Ang Mabuting Samaritano
(Lucas 10: 25-37)

“Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?” Ito ang tanong ng isang dalubhasang lumapit kay Hesus upang Siya’y subukin.

“Ano ba ang nakasulat sa Kautusan?” ang sagot ni Hesus.

“Ibigin mo ang Diyos at ang iyong kapwa,” sabi ng lalaki. “Ngunit sino ang aking kapwa?”

Upang masagot ang tanong ng lalaki, si Hesus ay nagkwento tungkol sa isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan. Kinuha ang lahat ng gamit ng manlalakbay, pati ang damit sa kanyang katawan!

Siya ay binugbog at iniwan sa daan na halos walang buhay. Nagkataong dumaan ang isang pari. Siguradong siya ay tutulong sa sugatang lalaki. Ngunit hindi! Nang makita ang taong duguan, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad sa kabila ng daan.

Pagkatapos ay may isa na namang parating. Siya ay Levita- ang mga taong tumutulong sa pari sa templo. Nilapitan at tiningnan ang taong nabugbog, ngunit siya ay nagpatuloy din sa paglalakad at hindi tumulong.

Ngunit may isang Samaritanong dumaan. Galit ang mga Hudyo sa mga Samaritano. Ang mga nakikinig kay Hesus ay hindi inakala na isang Samaritano ang magiging mabait sa kwento. Ngunit ang Samaritano ay naawa at huminto para tumulong. Ang Samaritano ay lumuhod, at nilagyan ng gamot at benda ang sugat ng lalaki. Pagkatapos ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang asno. Sa isang bahay-panuluyan, inalagaan ng Samaritano ang lalaki buong gabi. Kinabukasan, nagbayad ang Samaritano sa may-ari ng bahay-panuluyan upang alagaan ang lalaki hanggang sa siya’y maging mabuti muli.

Nang matapos ang kwento ni Hesus, “Sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa sa taong nasaktan?” Ang sagot ng dalubhasa, “Ang kanyang kapwa ay ang Samaritano na tumulong sa kanya.” “Sige ganoon din ang iyong gawin,” ang sabi ni Hesus. Ang kapwa ay ang sino mang nangagailangan. Maari nating maipakita ang ating pagmamahal sa pamamagitan ng pagtulong sa mga taong nangangailangan. Iyan ay kalugod-lugod sa Diyos. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.