Performance: Essay 1. Magbigay ng halimbawa ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng kapakanan ng kapwa bago kumilos. Ipaliwanag ang iyong sagot. 2. Magbigay ng halimbawa ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pakikitungo sa kapwa ayos sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo. Ipaliwanag ang iyong sagot.
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
ANG PAKIKIPAGKAPWA-TAO
1. Magbigay ng halimbawa ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pagsasaalang-alang ng kapakanan ng kapwa bago kumilos. Ipaliwanag ang iyong sagot.
-Ang isa sa mga sitwasyon na nagpapakita ng pagsasalang-alang ng kapakanan ng kapwa bago kumilos ay ang paghingi sa kanila ng mga suhestyon o idea para sa isang pagpupulong o pangkatang proyekto. Kaya ko nasabi na ang sitwasyon na ito ay isang halimbawa, sapagkat ang paghingi sa kanila ng permiso ay nagpapakita ng paggalang at ang sitwasyon ring ito ay nagpapakita ng pagkakaisa bilang isang grupo at hindi mararamdaman ng iyong mga kasamahan ang pagiging wala sa lugar dahil iyong pinaparamdam na ang kanilang opinyon o suhestyon ay nadidinig.
2. Magbigay ng halimbawa ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pakikitungo sa kapwa ayos sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo. Ipaliwanag ang iyong sagot.
-Ang isang sitwasyon na nagpapakita ng pakikitungo sa kapwa na iyong nais ring gawin nilang pakikitungo sa iyo ay ang pagiging magalang sa salita at gawa na kanilang pinapakita na dapat mo ring suklian. Sabi nga ni Confucius, "Don't do unto others what you don't want done unto you"., kaya nararapat lamang na sa sitwasyon na ito na iyong balikan ng kabutihan ang kabutihang ipinakita sa iyo ng iyong kapwa tao.
brainly.ph/question/9897674
#LETSSTUDY