Questions


September 2022 2 6 Report
ANG MATANDA AT ANG KANYANG APO
Batay sa kuwento/pelikula, sa isang maliit na nayon. Si Jack ay
isang masayahin at palangiting tao. Mahal na mahal niya ang kaniyang
anak na si Hansel. Mula pagkabata ay inaalagaan niya ito at hindi
pinaramdam ang pangulila sa kanyang ina. Pinapakain, pinapaliguan at
tinuturuan ng magagandang asal. Namulat ang bata na si Hansel ng
kagandahang asal at pagmamahal na ipinaramdam sa kanya ng kaniyang
ama. Hanggang sa ang kaniyang ama ay naging matanda na. Ang anak na
si Hansel ay inaalagaan ang kaniyang ama kapalit sa nakita niyang pag
alaga at pagmamahal ng kaniyang ama nang siya ay bata pa.
Hanggang si Hansel ay nagkaroon ng asawa. Masaya sila sa simula
hanggang ang kaniyang asawa ay nagpakita ng masamang ugali.
Nagkaroon sila ng anak na lalaki. Mahal na mahal ng lolo ang kaniyang
apo at mahal din siya nito.
Palagi na lang pinapagalitan ng kaniyang asawa ang ama kung may
nabasag na mangkok habang kumakain. Hanggang sa pinagamit siya ng
mangkok na kahoy at sa likod-lutuan siya pinapakain. Masaya lang ang
lolo kapag nasa tabi niya ang kanyang apo.
Isang araw namangha ang mag-asawa nang makita ang kanilang
anak na naglalaro ng kahoy at nang tanungin nila ang anak, "Anak bakit
ka naglalaro ng kahoy"? "Gumagawa ako ng mangkok para meron kayong
gagamitin kapag matanda na kayo para hindi mababasag ang ating mga
mamahaling mangkok". At doon namulat sa katotohanan ang mag-asawa.
"Ang masamang ginagawa ng matanda ay maganda sa mata ng bata"
Binuo nd Alcia T. Eulatic
Mga Tanong:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
2. Ano ang mahalagang kaisipan o aral ang makukuha sa
kuwento/pelikula?
3. lulat ang napanood na kuwento/pelikula.
please sagot po ☹️​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.