Paunang Pagsusulit
Panuto:Tingnan at pag-aralan ang iba’t-ibang larawan nanag papa-kitang mga pangyayari saating kapaligiran.
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?____________
2.Narasan mo rin ba ang kalamidad?__________
3.Ginagawa ninyo rin ba ang mga ito? bakit?_______
4.Paano maipapakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa?___________________
5.Sa papaanong paraan nakatutulong ang mga gawaing ito sa
pagpapaunlad ng ating pagkatao?__________
Ang makakasagot ng tama ay Ibrabrainliest ko.
Answers & Comments
Answer:
1. Ipinapakita sa larawan ang iba't ibang sakuna na kadalasang nararanasan ng mga Pilipino katulad ng bagyo na nagdudulot ng malakas na hangin at baha, lindol, sunog at iba pang sakuna. Ipinapakita rin sa larawan ang pagtutulungan ng mga Pilipino o pagbabayanihan sa panahon ng sakuna.
2. Opo, naranasan ko na ang iba sa mga kalamidad katulad ng pagbaha.
3. Opo ginagawa rin namin ang mga ito sapagkat tinuturo na sa amin simula pa nung bata na ang pagtutulungan ay ang susi ng pagtatagumpay at upang malagpasan ang mga pagsubok sa buhay katulad ng mga sakuna na nasa larawan.
4. Maipapakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng simpleng pagtulong sa mga nangangailangan at pag iintindi sa kanilang mga pangangailangan.
5. Nakatutulong ang mga gawaing ito sa pagpapaunlad ng ating pagkatao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagmamahal o pagpapahalaga sa kapwa na nagpapaunlad ng ating sosyal na birtud na magpapayaman sa ating mga sarili.
helps it hope :)