Questions


October 2022 1 3 Report
Paunang Pagsubok
Bago mo simulang pag-aralan ang mga konsepto sa modyul na ito, subukin mo muna
ang iyong sarili.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Paano mo dapat ipapakita ang paggalang kung iba ang opinyon mo sa pananaw ng taong
kausap mo?
A. Sumang-ayon na lamang sa opinyon niya
B. Sabihin ang sarili mong opinyon ng may pagpapakumbaba at hindi ipinaparamdam
sa kanya na tutol ka sa sinasabi niya
C. Sabihin ang totoong saloobin mo kahit masaktan siya, ang importante nagpakatotoo
ka.
D. Huwag na lamang magsalita upang maiwasan ang pakikipagtalo.
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagsunod?
A. Pagtawid sa tamang tawiran kahit walang nakatingin na pulis trapiko
B. Pagsang-ayon sa ipinapagawa ng magulang pero hindi naman talaga gagawin.
C. Pagsusuot ng mask kapag may pulis na nakabantay sa daan.
D. Pagtatapon ng basura sa gilid ng poste tuwing gabi upang hindi masita.
3. Paano mo maipapakita ang paggalang?
A. Pagtulong sa mga gawain sa loob ng pamayanan.
B. Pakikisalamuha sa mga kapit-bahay
C. Pagtrato ng pantay pantay sa mga tao, ano man ang katayuan nila sa buhay.
D. Pagbibigay ng halaga sa mga taong nakatulong sayo.
4. Paano mo maipapakita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A Unawain na hindi lahat ng pagpapasya nila ay magiging kaaya-aya sayo.
B. Huwag sumunod sa awtoridad kung hindi naman ikaw ang makikinabang sa
pinagagawa
C. Sumalungat sa awtoridad upang makilala ang sarili mong opinion.
D. Suportahan lamang ang kanilang programa kung may mapapakinabangan ka.
5. Natututunan ng isang bata ang pagsunod at paggalang sa pamamagitan ng
sumusunod, maliban sa :
A. pagmamasid sa mga tao sa paligid kung paano sumunod at gumalang.
B. pagsangguni sa mga barkada
C. pagsasabuhay ng itinurong aral ng mga magulang tungkol sa pagsunod at
paggalang
D. pagkakaroon ng disiplina at pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.