Mga guro. Sino nga ba sila para sa inyo? Sabi nila ang mga guro daw ang ikalawang mga magulang natin.
Sila ang nagsisilbing mga gabay natin sa paaralan. Sila ang nagtuturo, sila ang nagdidisiplina at sila ang gumugugol ng oras nila para tayo ay maturuan ng maayos sa loob ng walong oras na pamamalagi natin sa paaralan. Hindi natin maikakaila na mayroong iba’t-ibang klase ng mga guro. May strikto, may mabait, at may parang barkada lang. Kung papipiliin kayo kung sino ang gusto niyo sa tatlong nabanggit, marahil pipiliin ng karamihan ang mabait at parang barkada lang. Iilan lang marahil ang pipili sa striktong guro. Sino ba naman kasi ang pipili sa mga gurong tigre at terror? Siguro nga ang iba diyan ay sinusumpa ang mga ganitong klase na mga guro. Subalit aking mga kaibigan, minsan ba ay sumagi sa inyong mga isipan ang mga maaaring dahilan kung bakit ganyan ang ugali ng mga striktong guro natin? Katulad ng isang magulang ang nais lang naman nila ay magkaroon tayo ng tuwid na daan. Katulad ng isang magulang na umaasam na maging maayos ang buhay ng anak nila sa hinaharap ay siya ring ninanais ng mga guro natin para sa atin. Hinihingi lang talaga ng pagkakataon ang pagiging strikto nila lalo na kung ang estudyante mismo ay pasaway at animo’y walang pakialam sa kanyang buhay. Tulad ng isang magulang ay gusto lang nilang imulat ang mga mata natin sa kahalagahan ng edukasyon at ang pagiging mapalad natin dahil tayo ay nakatungtong sa paaralan inaasam ng ibang taong hindi nabigyan ng pagkakataong makapasok sa paaralan. Marami sa mga guro natin ay mga magulang din. Alam nila ang hirap at pawis na siyang ginugugol ng mga magulang natin para tayo ay mapag-aral lang. Kaya masakit din sa kanila ang makita na tayo ay nagpapabaya sa ating pag-aaral dahil alam nila kung anong hirap at sakripisyo ang binigay ng ating mga magulang para tayo ay matustusan sa ating pag-aaral.
Lilipas ang panahon at darating din tayo sa ganitong sitwasyon, kung saan tayo ay magiging magulang din. Sa pagdating ng panahon na ‘yun, magiging masaya ka ba kung iyong makikita na nagiging pabaya ang iyong anak sa kanyang pag-aaral?
Alam halos nating lahat ang kahalagahan ng edukasyon, kaya nga kayod kalabaw ang ating mga magulang para mapag-aral lang tayo. At sa edukasyong ito, kaagapay at karamay natin ang ating mga guro. Ang mga gurong nagsisilbi pangalawang mga magulang natin.
Answers & Comments
Answer:

HOPE IT HELPS !
PAKI BRAINLIEST PO KUNG NAKATULONG