patulong po, sana po iyong matino ang isagot ninyo.
meroon po kasi akong gawain sa asignaturang filipino at hindi ko po masyadong maunawaan 'yung panuto.
ang panuto po ay "ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang nasalungguhitan at gamitin din ito sa sariling pangungusap"
ang salitang nasalungguhitan po ay "datu", ang kahulugan ay "pinuno" at ang kasalungat po ay "alipin"
ang tanong ko po ay kung ano ang tinutukoy sa panuto na gagamitin sa sariling pangungusap, iyon po bang nasalungguhitang salita o iyon pong kasalungat at kahulugan?
Answers & Comments
Answer:
pag nabigay nyo po yung kasalungat po at kahulugan yun po yung gagawan nyo ng pangungusap
EXAMPLE- Ipinahuli ng pinuno ang Isang alipin matapos nitong magnakaw sa kaharian
ang ibigsabihin po siguro ng panuto ay ang paggagamitan ng pangungusap ay yung kasalungat at kahulugan kase sabi ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang nasalungguhitan "AT" gamitin ito sa sariling pangungusap.
so yun po sana naiintindihan niyo ho haha