Questions


September 2022 1 1 Report
Patulong po please please sana po masagutan niyo po to ng maayos kasi nakaraan pa po ako nag hihintay. May mga nag sabi po na sasagot kaya hineart ko yung mga iba nilang sagot pero di man lang nila sinagutan to wag naman po sana ganun need ko po kasi to madami pa po ako ginagawa kung ano lang naman po naintindihan niyo okay na po yun:)

Bal-lakay
(mula sa kuwento ni G. Leonardo dela Cruz Jr.)
 
Noong unang panahon ay may isang lalaking nagngangalang Bal-lakay na nakatira sa Banao. Masagana ang kanyang buhay. Upang mapanatili ang kasaganaang ito, pinayuhan siya ng mga matatanda na magpista. Nagkatay sila ng baboy. Nang walang apdo ang baboy, pinayuhan sila ng mangkutom (pinakapari ng pamayanan) na lisanin ang kanyang pamilya para hindi siya mamatay kaya’t pagkatapos ng ngilin (pahinga), umalis siya patungong Guinzadan. Sa Guinzadan ay muli siyang nag-asawa at nagkaroon ng limang anak. Nang napanaginipan niyang nasunog ang kanyang bahay at maisip na ito’y nangangahulugang kamatayan niya, pumunta siya sa pandayan at doon tumira. Nasunog nga ang kanyang bahay. Bumalik siya roon at nagtayo ng bagong bahay. Nagkautang siya sa pagsasagawa ng ritwal noong itinayo niya ang bahay kung kaya’t nagnegosyo siya kasama ang kaibigang si Cal-libu. Yumaman siya at nakilala sa lipunan.
 
            Noong namatay ang kanyang asawa, kinatay niya ang kanyang mga alagang baboy. Sa gabi ng libing, narinig niya ang boses ng asawa na nagsasabing “Bal- lakay,hindi ko maigiya ang mga baboy sa kanilang pupuntahan”. Tahimik na tumungo si Bal-lakay sa kapitbahay at sinabi ito, “Halika at igiya mo ang mga baboy sa kanilang pupuntahan”. Agad na siyang umalis. Sumunod ang kapitbahay at tinanong kung nasaan ang mga baboy. Nang hindi sumagot si Bal-lakay ay bumalik ito sa kanyang bahay. Hindi nagtagal ay namatay ang kapitbahay.

Tanong:                                        

a. Ipakilala ang pangunahing tauhan at tagpuan sa isang paraang gumagalaw

b. Paano nagkaroon ng problema o suliranin?

d. Ano ang pinakamasidhing pangyayari o pinakamatinding tunggalian sa kuwento?

f. Ano ang naging kalutasan sa kuwento?

 a. Tungkol saan ang kuwento? Saan ito umiikot na sitwasyon o pangyayari?

b. Ano-ano ang mahahalagang kaisipang inilalantad ng kuwento?

 c. Ano-ano naman ang mga kaisipang maiuugnay sa mga sitwasyon sa kasalukuyan lalo na sa pook na inilalarawan ng kuwento?

 d. Ano ang nabuo mong reyalisasyon o aral na
Ang pinakamatinding pangyayari sa kuwento ay                                                     

Ano ang natutuhan sa kuwento? Bakit?

thankyou po sobraaa iheart at rate ko po iba niyong sagot pag tapos niyo po to sagutan di po ako scam
 ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.