Questions


September 2022 1 0 Report
PATULONG NAMAN PO ANO BAYAN
:(




Basahin ang nilalaman ng pabula at sagutin ang kasunod na tanong.  Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
 
Sa isang maliit na tahanan nakatira ang isang maliksing daga at masungit na pusa. Hindi magkasundo ang dalawang nilalang lagi silang naghahabulan at nagbabangayan.  Isang araw namasyal ang pusa sa labas ng kaniyang tirahan nakakita siya ng isang itlog ng manok na naiwan sa isang pugad at walang nagbabantay.  Naisip ng pusa na magandang pagkakataon ito kaya kinuha niya ang nag-iisang itlog sa pugad upang ito ay lutuin at kainin.  Nang makuha ng pusa ang itlog ay dali-dali niya itong iniuwi sa kaniyang tahanan.  Nagulat siya nang makita na ang itlog ay napisa at lumabas ang isang maliit na sisiw. Nakita ng daga ang mga pangyayari kaya nagmadali siyang kumilos para iligtas ang kawawang sisiw.  Ngunit nagalit ang sisiw sa daga dahil inakala nito na ang pusa ay kaniyang ina at inilayo siya ng daga rito. Tunay ang pagmamahal ng sisiw sa kinilala niyang ina, kaya kinausap niya ito  at sinabing  “ Ina mahal na mahal ko po kayo kahit hindi nyo po ako kauri pero kung ang pagkain sa akin ang mas magpapaligaya sa inyo ay pumapayag po ako” . Nahabag ang pusa  sa mga sinabi ng sisiw sa  maikling panahon na sila’y magkasama ay napamahal na rin ito sa kaniya kaya humingi ng tawad ang pusa sa kanyang anak “Patawarin mo ako sa aking nagawa aaminin ko sa iyo na napamahal ka na rin sa akin hindi na kita gustong kainin dahil hindi ka na iba sa akin” . Tinanggap ng sisiw ang paghingi ng tawad sa kaniya ng pusa at ipinag patuloy nila ang pamumuhay ng masaya at magkasama. Tuwang-tuwa naman ang daga sa kaniyang nasaksihan.
 
“Walang nilalang sa mundo ang masasabing perpekto kaya’t mahalaga na marunong tayong magpatawad sa ating kapwa”.
 
_______ 1.  Anong damdamin ang namayani sa nabasang pabula?
                  A. pag-aalala                            C. pagkamangha
                  B. pagkatakot                           D. pagkaawa
_______ 2. . “Isang araw namasyal ang pusa sa labas ng kanyang tirahan.” ano ang 
                 tawag sa salitang nakasalungguhit?
                  A. Pangngalan           B. Panghalip             C. Pandiwa          D. Pang-abay
_______ 3.  Sa pabulang nabasa anong uri ng pag-uugali ang mayroon kay daga?
                  A. masungit                             C. malupit
                  B. may malasakit           D. masunurin
_______ 4. Ano ang nais iparating ng pabula na tulad sa ating buhay?
                  A. Makinig sa nakakatanda.                             
                 B. Laging maniwala sa sarili.
                 C. Lahat ng pagsubok ay makakayanan
                 D. Karapatan nating lahat ang  mabuhay.
________5.  Nakakita siya ng isang itlog ng manok na naiwan sa isang pugad.” Ang
                salitang nakasalungguhit ay halimbawa ng _______.
                  A. Pangngalan           B. Panghalip             C. Pandiwa          D. Pang-abay
_______ 5.  Alin sa mga sumusunod ang katangian ng pabula?
                  A. Ito ay isang talambuhay.
                  B. Hango sa totoong pangyayari sa buhay.
                 C. Mga hayop ang pangunahing karakter.
                  D. Tinatalakay ang mga nakalipas na pangyayari sa kasaysayan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.