Si Mang Gelo ay isang magsasaka, isang masipag na magsasaka at isang mapagmahal na asawa at ama sa kanyang tatlong anak, dalawang lalaki at isang bunsong babae. Isang magsasaka man si Mang Gelo ay hindi naman yun naging hadlang upang sila ay maghirap sa buhay. Sa isang maliit na bahay lamang nakatira si Mang Gelo kasama ang kanyang mabait at mapagmahal na asawa at mga anak.
KATAWAN:
Pagsapit ng gabi, habang sila ay masayang naghahaponan narinig nila mula sa Radio na may paparating na bagyo na magdudulot ng malaking pinsala sa mga tao lalo na sa mga tanim. At dahil sa narinig ay lubos na nabahala si Mang Gelo, iniisip nito kung ano ang dapat gawin sa mga tanim at palay na kakausbong pa lamang. Hindi niya alam ang gagawin sa kanyang mga tanim, nag-alala man siya sa mga tanim ay mas nag-alala naman siya sa kanyang mag-ina. Naghanda siya ng mga gamit at pagkain para sa darating na bagyo. Lumipas ang ilang araw at dumating na nga ang araw na kanyang kinakatakutan. Bagyo, isang malakas na ulan na sinabayan pa ng malakas na kulog na may dalang malakas na hampas ng hangin. Kinabukasan ay humupa rin naman ang ulan at laking pasalamat ni Mang Gelo na ligtas silang lahat pati na rin ang kanyang tatlong anak. At ng nakasigurado na ayos lamang ang kalagayan ng kanyang mag-ina ay pumunta siya sa bukid, bumagsak ang kanyang mga balikat habang nakatingin sa mga paligid na tanging putik nalamang ang makikita imbes na mga tanim. Malungkot ang mukha ni Mang Gelo na umuwi, sinabi niya sa kanyang asawa ang nangyari sa mga tanim, ngumiti ang kanyang asawa at pinagaan ang kanyang loob at sinabing magiging ayos din ang lahat at magsimula uli. Ngumiti din si Mang Gelo at niyakap ang kanyang asawa at yumakap din ang mga bata sa kanya.
WAKAS
Masayang tinignan ni Mang Gelo ang kanyang paligid nakikita niya ang mga tao na tumulong sa pagaani. May biglang yumakap sa kanyang likuran at nakita niya ang kanyang asawa at mga anak na nakangiti sa kanya, gumanti siya ng yakap sa kanyang asawa. Ngumiti ang kanyang asawa at sabay sabi ng "Sabi ko naman sayo mahal, magiging ayos din ang lahat" ngumiti si Mang Gelo at sumangayon. Muling binalik ni Mang Gelo ang kanyang tinggin sa mga tao na masayang nag-aani, laking pasasalamat niya sa kanyang asawa na nag udyok na magtanim muli ng palay, ngumiti uli siya at inisip kung paano siya bumangon at nagsimula uli nong minsang sinira ng bagyo ang kanyang pinaghirapan noon at ng siya ay bumangon ay nagsimula uli siya at ang isang matiwasay na ani ang kanyang natanggap.
Moral Lesson?: Sinubok man tayo ng panahon nawa ay manatili tayong matatag at magtiwala sa sarili na kaya nating gawin ang lahat ng gusto nating naiisin. At nawa ay laging tandaan na hindi Bagyo o anomang pagsubok sa buhay ang magiging hadlang upang hindi natin makamit ang mga masasayang bagay.
Answers & Comments
Pamagat: "MAGSASAKA"
TAGPUAN: -Bahay o sa bukid
PANGUNAHING TAUHAN: -Mang Gelo
PANIMULA:

Answer:
Magulang,
Hello, ako si gerald naka tira ako sa brgy.mangga, ako ngayon ay nasa elementarya, minsan ..