pasensya na po kung paulit ulit Question ko gusto lang po malaman opinyon ng mga tao tungkol sa diyos paanswer kung mahal mo ang panginoon tulungan mo akong mas marami pang malaman tungkol sa kanya para sa akin po lagi natin syang nasa tabiD
1.May nakakakita pa ba sa panginoon ngayon?
2.may himala pa bang nangyayari ngayon ilang taon na ang nakalipas
3.Muli bang magbabalik at mamapiling muli natin ang panginoon tulad ng nangyari noon
4.Minsan ba naisip mo na hindi totoo Ang panginoon oo hindi at bakit? sakin naniniwala ako Kay papa Jesus at sa amang lumikha 5.
5. Wala bang pagkakamali sa bible perpekto ba Ang pagkakasulat dito halimbawa totoo tas yung nalagay is totoe ganyan
6.kung wala si papa jesus kung wala lang ah ano sa tingin nyo mangyayari sa mga taong naglalaho na sa mundo?
7.wag mawalan ng pag asa nanjan ang panginoon para gabayan ka ng panginoon
Answers & Comments
Answer:
1. Wala..?
2.Meron naman siguro. May mga himalang nangyayari na hindi natin napapansin o nalalaman. Katulad nalang ng paggising mo araw araw, himala iyon na kinabukasan pagkatapos ng mahabang gabi ay buhay ka pa. Ang pagmulat ng iyong mga mata tuwing umaga ay isa na sa mga himala mo.
3.Oo naman. Hindi naman siya mawawala.
4. Kahit na napakahirap na ng pinagdadaanan ko, kahit kailan hindi ko naisip na hindi totoo ang panginoon, sa mga panahon na ganoon, ay mas pipiliin ko pa magdarasal na sana malagpasan ko agad ang pagsubok.
5.Sa aking opinyon, hindi nagkakamali ang bibliya. Hindi man natin nakita ang nangyari noon, mayroon tayong kaunting kaalaman doon dahil sa bibliya.
6. Hindi ko lubos maisip na wala si Jesus, at kung wala man, hindi natin masisigurado ang kaligtasan kahit na nadyan siya.
7.
(lahat ng narito ay OPINYON ko lamang, mabuti kung sang-ayon kayo, mabuti rin naman kung hindi.) godbless!