Questions


April 2021 1 30 Report
Pasaway na Dayuhan Nararapat Sampolan!
Nakalimutan yata ng Spanish national na si
Javier Salvador Parra na nasa Pilipinas siya at wala
sa Espanya. O talaga lang Indyo ang tingin niya
sa mga Pilipino kaya pati ang pagsunod sa
Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay
minamaliit niya. Ayaw niyang sumunod dahil
nakaririwasa siya sa buhay at nakatira sa
mayamang Dasma.
Nag-viral sa social media ang pakikipagtalo
ni Parra sa isang pulis na sumita sa maid nito na
walang facemask habang nagdidilig ng halaman
sa kanyang bakuran kamakailan. Mahigpit na
ipinatutupad sa mga residente ng Makati ang
pagsusuot ng facemask. Ang mahuli na walang
facemask ay pagmumultahin ng P1,000.
Ipinatupad ni Senior Master Sergeant Roland
Von M. Madrona ang ordinansa at
pinagbabayad si Parra ng multa dahil sa hindi
pagsusuot ng facemask ng maid nito. Pero sa
halip na sumunod sa batas, nakipagtalo at
pinagmumura pa ni Parra si Madrona. Hubad
baro pa si Parra at walang facemask nang
makipagtalo. Tila nasa impluwensiya ng alcohol
ang Espanyol. Ang maybahay ni Parra ay
namamagitan pero patuloy pa rin ang Espanyol
sa pakikipagtalo kay Sgt. Madrona. Kinukunan
naman ng video ng isang Bantay Bayan na
kasama ni Madrona ang pakikipagtalo at
pagmumura ng dayuhan.
Nang hindi pa rin sumunod si Parra at
binalewala ang batas, kumilos na si Madrona
para arestuhin ito. Nagpambuno ang dalawa at
naitumba ng pulis ang dayuhan. Nagsisigaw
naman ang maybahay ni Parra at sinabing wala
raw karapatan ang pulis na arestuhin ang asawa
niya. Nasa loob daw ito ng property nila. Hindi rin
naaresto si Parra.
Pag-unawa sa binasa:
1. Bakit sinita ng pulis ang katulong ng dayuhang
si Salvador Parra?
2. Tama ba ang ginawa ng pulis? Ipaliwanag.
(Pasagot na need ko na ngayon) ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.