Questions


August 2022 1 4 Report
Pasagot po plss


Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.

Gawain 3

Festival of Talents

Nagdaos ang Paaralang Elementarya ng Sapang ng Festival of Talents upang malinang at maipakita ang kakayahan ng mga mag-aaral sa paglikha ng mga sayaw, awit at pagpinta. Bumuo ang mga mag-aaral ng iba't ibang pangkat para lumahok sa mga patimpalak. Si Miguel, ang batang magaling sumayaw, ay naghanap ng kanyang mga kasapi. Ganoon din si Luisa na mahusay umawit. Ang iba pang mga bata ay bumuo rin ng kani-kanilang pangkat. Ang klase naman sa Sining ay pumili ng mga asali sa pagpinta. Binigyan ang bawat pangkat ng tatlong linggo upang mag-ensayo at magsanay. Lahat ng pangkat ay pinagbuti ang pag-eensayo. Kumuha pa sila ng magtuturo sa kanila upang matiyak na wasto at ayon sa mga pamantayan ang kanilang gagawin. Gumamit pa sila ng makabagong teknolohiya upang maipamalas ang kanilang pagiging malikhain. Lahat ng lalahok ay laging dumarating sa pinagkasunduang oras at lugar ng pag-eensayo. Nang sumapit ang araw ng pagtatanghal, napuno ang auditorium ng paaralan ng maraming manonood. Naroon din ang mga magulang ng mga mag-aaral. Nahirapan ang mga hurado sa paghatol sapagkat lahat ng magaaral ay nagpakita ng kahusayan at pagkamalikhain. At dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ipahahayag na ng punong hurado ang mga nagwagi. Bago niya ito ginawa, nagbigay muna siya ng mensahe. "Kami pong mga hurado ay talagang nahirapan sa paghatol sa ginawang pagtatanghal ng mga mag-aaral. Lahat sila ay nagpakita ng kanilang galing sa pagbuo ng awit, sayaw at pagpinta. Magaganda ang mensahe ng mga awitin na binuo ng mga kabataan. Gayundin ang mga sayaw. Magaling ang choreography at naaayon sa pinagkasunduang tema ng patimpalak. Natutuwa rin kami sa mga iginuhit na larawan. Maganda at makahulugan ang kumbinasyon ng mga kulay at kakaiba ang mga paksang isinalarawan nila. Gumamit din ang lahat ng teknolohiya na lalong nagpamalas ng kanilang pagkamalikhain. Kung maaari lang manalo ang bawat lahat ay gagawin namin. Subalit isa lang talaga ang dapat magwagi sa kategorya.

Pero uulitin ko, lahat kayo ay magagaling! Hinihikayat ko ang lahat ng kalahok na ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng kanilang pagkamalikhain. Pairalin ninyo ang disiplina sa sarili upang hindi makaligtaan ang ibayo pang pagsasanay. Muli, ang aming pagbati at paghanga sa inyong lahat. At ang nanalo ay.



Sagutin ang mga tanong ayon sa kwentong binasa :

a. Ano ang ginanap sa Paaralang Elementarya ng Sapang?

b. Bakit nila ginawa ito?

c. Bakit nahirapan ang mga hurado sa pagpili ng mananalo sa bawat kategorya?

d. Anu-anong katangian ang ipinakita ng mga mag-aaral?

e. Paano ipinamalas ng mga mag-aaral ang kanilang pagkamalikhain?




Nonsense- report

Never joke okay


IN THE LAST BRAINLIEST

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.