Ngayong ay laganap na naman ang kaso ng dengue dahil sa madalas ng pag-uulan kung saan dumarami rin ang itlog ng lamok na may dalang virus.
Ang dengue fever ay isang kondisyon dulot ng dengue virus, na siya namang dala ng ilang uri ng lamok gaya ng Aedes aegypti. Ang mga pangunahing sintomas ng dengue ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kasukasuan, at ‘rashes’ na kamukha ng nakikita sa tidgas.
Paano ba nagkakaro’n ng dengue fever? Ang dengue fever ay nakukuha mula sa kagat ng lamok na may taglay ng dengue virus.
Kahit sino ay puwedeng magkaroon ng dengue fever, bata man, o matanda, pero mas karaniwang malala ang sakit sa mga bata at sanggol.
Para maiwasan ang dengue ay umiwas din na makagat ng lamok. Huwag din hayaang magtambak ng tubig o bagay na puwedeng pamugaran ng itlog ng lamok sa inyong tahanan. Ang stagnant o hindi dumadaloy na tubig ay madalas bahayan ng mga lamok. Laging linisin ang inyong bahay. Lagi ring takpan ang iniipong tubig. Magsuot din ng panjama, pantalon, o mahabang damit kahit nasa loob ng bahay. Puwede i-request sa inayong school na i-require na magsuot ng jogging pants ang mga estudyante habang mataas pa ang banta ng dengue sa inyong lugar.
GAWAIN 2:
Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng coronavirus SARS-CoV-2. Inaapektuhan nito ang iyong baga, daanan ng hangin at iba pang mga bahagi ng katawan.
Ang mga coronavirus ay mula sa isang malaking grupo ng mga virus na nagsasanhi ng mga karamdaman. Kabilang dito ang karaniwang sipon, severe acute respiratory syndrome (SARS) at ang Middle East respiratory syndrome (MERS).
Ang SARS-CoV-2 ay unang natuklasan sa China at malamang nagmula sa mga hayop. Hindi pa rin malinaw kung paano naapektuhan ng virus ang mga tao. Ang virus ay nagmu-mutate sa paglipas ng panahon dahil binabagayan (adapted) nito ang mga tao. Ang ilan sa mga mutation na ito, gaya ng bagong anyong Delta, ay maaaring kumalat nang mas madali kaysa sa orihinal na virus at nagsasanhi ng mas malubhang sakit.
Mga Sintomas ng COVID-19
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay pareho sa ibang mga sakit sa panghinga kabilang ang trangkaso at karaniwang sipon. Ang mga sintomas ay maaaring magkakaiba sa bawa't tao. Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng mga banayad na sintomas, habang ang mga iba ay may mas malubhang mga sintomas.
Ang mga pangunahing sintomas ng COVID-19 ay kinabibilangan ng:
Lagnat o panginginig
Ubo
Pagkawala ng pang-amoy o panlasa
Kahirapan sa paghinga
Ang iba pang mga sintomas ay maaaring kabilang ang:
Masakit na lalamunan
Walang gana kumain
Labis na pagkahapo o pagod
Sakit ng ulo
Sumasakit ang katawan
Pagduduwal o pagsusuka
Pagtatae
Minsan ang mga taong may COVID-19 ay may banayad na karamdaman, ngunit ang kanilang mga sintomas ay maaaring biglang lumala sa loob ng mga ilang araw. Ang mga bata ay may katulad ngunit mas malumanay na mga sintomas sa mga matatanda.
PAANO ITO NAKAKAHAWA:
Ito ay naipapasa ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng pagsagap ng mga malilit na talsik ng laway mula sa pagsasalita, pagbahing, o pag-ubo ng isang taong may COVID-19. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga taong may malapitang pakikisalamuha sa may sakit – tulad ng mga kapamilya at healthcare workers kaya mariing pinapayo na panatilihin ang isang metrong layo sa mga taong may sintomas tulad ng pag-ubo at pagbahing.
PAANO ITO MAIIWASAN:
Ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon ay ang:
1.Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas sa sabon at tubig nang hindi bababa sa 20 segundo.
2.Iwasan ang paghawak sa iyong mukha.
Kapag nauubo or nababahing, takpan ang iyong bibig at ilong gamit ang iyong braso o tisyu upang mabawasan ang pagkalat ng mga mikrobyo.
3.Linisin at disimpektahin ang madalas na nahahawakang mga bagay, tulad ng mga laruan, electronic devices at mga doorknobs.
4.Para maiwasan ang pagkalat ng virus, manatili sa bahay kapag ikaw ay may sakit.
Answers & Comments
Answer:
Dengue
Ang dengue ay Isang sakit na nanggaling sa mga lumilipad na insekto gaya ng lamok. Pwede itong makahawa sa pamamagitan ng mikrobyo into.
Covid-19
Ang Covid-19 ay isang sakit na may maraming epekto,masamang mikrobyo,at nakakahawang virus.
Ano ang mga sintomas nito
Ang most common na mga sintomas ay ubo,sipon,lagnat at pagkawala ng panlasa o pangamoy.
Paano ito nakakahawa
Nakakahawa ito sa pamamagitan ng kanyang mikrobyo na dala-dala nating mga tao
Paano ito maiiwasan
Sa pagsunod ng mga ilan sa protocols katulad ng paghugas ng kamay,pagsuot ng face mask paglalabas,at pananatili sa bahay para hindi mahawaan
Explanation:
ty and goodbye
sorry kung mahaba din
Answer:
GAWAIN 1