Questions


August 2021 1 37 Report
Pasagot po nito



1. Ang ___________ ay isang akdang pampanitikan kung saan naipahahayag mo ang iyong pananaw o

opinyon hinggil sa isang tiyak na isyu o paksa.

A. parabula B. mito C. sanaysay D. maikling kwento

2. Sa aling bahagi ng sanaysay inilalahad ang iba pang karagdagang kaisipan o pananaw kaugnay ng

tinalatakay na paksa?

A. simula B. gitna C. wakas D. pangunahing ideya

3. Alin sa sumusunod na mga pahayag ang HINDI katangian ng tema ng sanaysay?

A. Madalas na dalawa ang tema ng sanaysay.

B. Ang tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.

C. Nakatuon ang bawat bahagi ng sanaysay sa tema.

D. Ito ay pinalilinaw ng mga ideyang binabanggit sa kaisipan.

4. Ito ang tawag sa elemento kung saan ang mga pahayag sa sanaysay ay simple, natural at matapat?

A. estruktura B. kaisipan C. wika at estilo D. larawan ng buhay

5. Maisasakatuparan ang elementong ito kung ang sanaysay ay may makatotohanan at masining na

paglalahad.

A. estruktura B. kaisipan C. wika at estilo D. larawan ng buhay

6. Alin sa sumusunod na mga salita ang HINDI ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw?

A. Sa aking palagay C. Sa isang banda

B. Pinaniniwalaan ko D. Pagkatapos

7. “Nahirati ang mga bilanggo sa kadilimang bumabalot sa kweba.” Alin sa sumusunod na mga salita

ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit?

A. Nalungkot B. Nadiliman C. Nasanay D. Napahamak

8. Aling pandama ang kaugnay ng mga salitang pagmasdan at pagmasid?

A. paningin B. pang-amoy C. pandinig D. panlasa

Para sa mga bilang 9-10

Alin sa sumusunod na mga salita ang dalawang pangunahing paksa ng sanaysay na Alegorya ng

Yungib?

A. edukasyon B. katotohanan C. kapaligiran D. pamumuno

11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Rasyunalismo?

A. Ang mga konsepto ng bagay ay naroroon na sa isipan na natin mula kapanganakan.

B. Sinimulan itong ituro ni Plato.

C. Ang tunay na pag-iral ay nasa “Mundo ng Ideya.”

D. Ang katotohanan ay ang karanasan mula sa ating limang pandama.

12. Alin sa sumusunod na mga salita ang sinisimbolo ng anino ng mga bagay sa kweba batay sa

tinatalakay ng Alegorya ng Yungib?

A. karunungan B. katotohanan C. kaliwanagan D. karamdaman

13. Alin sa sumusunod na mga salita ang sinisimbolo ng puppeteer batay sa sanaysay na Alegorya ng

Yungib?

A. nagbubulag-bulagang mamamayan C. makatarungang pinuno

B. nakalayang bilanggo D. tiwaling politiko

14. Alin sa sumusunod na mga salita ang sinisimbolo ng araw batay sa sanaysay na Alegorya ng

Yungib?

A. kapangyarihan B. kapaligiran C. kaliwanagan D. karamdaman

15. “Nakakadena ang mga binti at leeg kaya hindi makagalaw.” Ang larawang masasalamin sa pahayag

ay ____________?

A. kawalan ng kalayaan C. pagdurusa sa kalagayan

B. pagsusugat ng katawan D. walang hanggang paghihintay

16. Anong kultura ng Griyego ang masasalamin sa sanaysay?

A. pangangalaga sa kapaligiran C. pagpapahalaga sa edukasyon

B. pakikipagkapwa-tao D. pagmamahal sa sarili

17. Alin sa mga halimaw ang HINDI kinalaban ni Sulayman?

A. Kurita B. Tarabusaw C. Pah D. Balbal

18. Paano masasawi si Achilles ayon sa akdang Iliad?

A. kapag nasaksak ng espada sa puso

B. kapag tinamaan ng palaso sa bukong-bukong

C. kapag nasaksak ng punyal sa puso

D. kapag tinamaan ng sibat sa mata

19. Ano ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng

panitikan?

A. Beowulf B. Gilgamesh C. Ibalon D. Iliad

20. Alin sa mga halimbawang kilalang epiko ang nagmula sa French noong Middle Ages na maaaring

isinulat ni Turold nong 1090?

A. El Cid B. The Fall of Troy C. Song of Roland D. Beowulf

21. Siya ang lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong Romano?

A. Homer B. Virgil C. Dante D. Per Abbat

22. Alin sa sumusunod ang halimbawang epiko ng mga Ilokano sa Pilipinas?

A. Biag ni Lam-ang C. Aliguyon

B. Ibalon D. Tuwaang

23. Bakit mahalaga ang epiko bilang isang akdang pampanitikan?

A. kasasalaminan ng kultura C. nagsasalaysay ng kabayanihan mga tao

B. nagtuturo ng mga aral sa buhay D. lahat nabanggit

24. Alin sa sumusunod ang MALI hinggil kay Enkido?

A. laging makatarungan C. pantapat kay Gilgamesh

B. lumaking kasama ang mga hayop D. yari sa luwad

25. Bakit kahiya-hiya ang kamatayan ni Enkido?

A. Namatay siyang may sala. . C. Namatay siyang walang asawa.

B. Namatay siya sa karamdaman. D. Namatay siya sa harap ni Gilgamesh.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.