PASAGOT PO
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 Panuto: Basahin at ilarawan ang tauhan batay sa kwentong nabasa. Unang araw ng pasukan, masiglang kumilos si Rayl upang ihanda ang kanyang sarili at mga gamit sa paaralan. Malinis at plantsado ang kanyang uniporme. Makintab ang sapatos. Nakasuklay ang buhok na may gel. Handa na siyang pumasok. Pagdating niya sa kanilang silid, agad niyang napansin ang isa niyang kamag-aral na si Ramon. Nakita niya ang uniporme nito na sobrang kusot. Ang buhok ay gulo-gulo na parang kababangon lamang sa higaan at di na nagawang magsuklay sa pagmamadali. Tiningnan niya ang paa ng kanyang kamag-aral, naka-tsinelas lamang ito. Oras ng reses napansin niya na tahimik lamang sa upuan niya ang kanyang kamag-aral na kanina pa niyang pinagmamasdan. Wala pala itong pagkain kayat nilapitan niya ito at hinatian ng kanyang baon. Kinaibigan niya ito at nalaman na ulila na pala si Ramon at nakikitira lamang sa mag-asawa na kanyang pinagsisilbihan bilang isang kasambahay. Sa nalaman ni Rayl ay naunawaan na niya kung bakit ganun si Ramon kaya simula noon ay lagi na niyang dinadagdagan ang kanyang baon na pagkain upang hatian si Ramon. Naawa ngunit humanga si Rayl sa kasipagan at tatag ng loob ni Ramon.

1.Ilarawan si Rayl:
Damit:
Buhok:
Sapatos:
Ugali :
2. Ilarawan si Ramon:
Damit:
Buhok:
Sapatos:
Ugali: ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.