Mga SAWIKAIN, ang kahulugan nito, at kung paano ito gamitin sa pangugusap.
1. Bukas ang Palad:Matulungin
Bukas ang palad ng mga Fernandez sa mga magsasakang katulad nila.
2. Mapurol ang Utak: Hindi Matalino
Mapurol ang utak ni Berting kaya hindi siya makakuha ng maayos na trabaho sa siyudad.
3. Nagsusunog ng Kilay: Masipag Mag-aral
Palaging nagsusunog ng kilay si Esmeralda dahil pangarap niyang makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa kaniyang mga magulang.
4. Butas ang Bulsa: Walang Pera
Butas ang bulsa ni Aliyah dahil sa kanyang masamang bisyo.
5. Kabiyak ng dibdib: Asawa
Iniingatan ni RM ang kabiyak ng dibdib nitong si Delfina sapagkat para sa kanya ay para itong mamahaling dyamante na hindi basta-basta nakikita sa panahon ngayon.
6. Lantang Gulay: Sobrang Pagod
Sa sobrang dami ng mga gawain sa paaralan, hindi maiwasan ni Rose na magmukhang lantang gulay pagkatapos makauwi sa kanilang bahay.
7. Pag-iisang Dibdib: Kasal
Ang pag-iisang dibdib nina Jennie at Kai ay hindi inaasahan ng kanilang mga tagahanga.
8. Makapal ang Palad: Masipag
Makapal ang palad ni Lia pagdating sa pag-aaral ng sayaw kung kaya naman ay madaming humahanga sa kanya.
9. Kilos Pagong: Mabagal Kumilos
Naiinis ako sa aking kaibigan sapagkat palagi siyang kilos pagong sa tuwing umaga.
10. Amoy Pinipig: Mabango
Hindi akalain ni Kimmy na maantig ang kanyang puso sa isang lalaking amoy pinipig.
Answers & Comments
Answer:
Mga SAWIKAIN, ang kahulugan nito, at kung paano ito gamitin sa pangugusap.
1. Bukas ang Palad: Matulungin
2. Mapurol ang Utak: Hindi Matalino
3. Nagsusunog ng Kilay: Masipag Mag-aral
4. Butas ang Bulsa: Walang Pera
5. Kabiyak ng dibdib: Asawa
6. Lantang Gulay: Sobrang Pagod
7. Pag-iisang Dibdib: Kasal
8. Makapal ang Palad: Masipag
9. Kilos Pagong: Mabagal Kumilos
10. Amoy Pinipig: Mabango