Panuto. Magbigay ng isyung pandaigdig na nagdudulot ng kapamahakan na may kaugnayan sa puwersa ng kalikasan. Sumulat ng tatlong talata na binubuo ng limang pangungusap bawat talata gamit ang angkop na salita/parirala na nagpapahayag ng sariling pananaw.
(pls i rlly need help)
Answers & Comments
Answer:
Polusyon
Explanation:
Ang polusyon ay isyung pandaigdig na nararanasan saan mang panig ng bansa. Mayroong iba't-ibang uri ng polusyon kagaya na lamang ng polusyon sa hangin at tubig. Hindi natin makakaila na sa pag-unlad ng ating ekonomiya ay kasabay ang pagkasira ng ating kalikasan. Malaki ba ang apekto nito sa kalikasan at sa atin?
Ang polusyon ay likha rin nating mga tao. Sa paunti-unting pagtatapon ng basura na nagbabara sa mga estero na nagdudulot ng pagbaha, Kagaya na lamang noong nangyari sa mga nagdaang bagyo. Maraming buhay ang nawala bunga ng ating pagsasawalang bahala, Sa ating ginagawa tayo rin ang napipinsala. Sa Pag susunog na nakakaapekto sa ating hangin, at sa pagpuputol ng mga puno na nakakaapekto pati na rin sa mga hayop. At sa pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig na nakakasira rito kagaya na lamang ng nangyari sa Ilog pasig.
Tayo ang gumagawa ng mga polusyon na ito na s'yang bumabalik din sa atin. Kung tayo'y magiging edukado at bubuksan ang ating mga isipan ay maiiwasan natin ang pagkasira ng ating kalikasan. Sabi nga ni Rizal “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” kaya tayo'y gumawa ng pagbabago at iligtas ang ating kalikasan. Ating tandaan na kung ano ang iyong gagawin ay babalik din sa iyo.