para sa iyo, bakit mahalagang pag-aralan natin ang ibat ibang pangatnig? ano ba ang magandang naidudulot nito sa atin lalo na sa pakikipag-usap sa tao at pagsulat ng kuwento tao?
Napakahalaga na matutunan natin ang mga uri ng pangatnig, sapagkat mayroon itong iba't ibang gamit. Sa pamamagitan nito ay nakakabuo ka ng isang pangungusap gamit ang mga uri nito. May maganda rin itong naidudulot lalo na sa pakikipag-usap sa tao pagsulat ng kuwento, sapagkat naipapahayag mo ng maayos ang nais mong iparating lalo na kung alam mo kung paano gamitin ang iba't ibang uri nito.
Explanation:
Ang pangatnig ay ang mga salita o lipon ng mga salita at kataga na ginagamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, ng isang parirala sa kapwa parirala, o ng isang pangungusap sa kapwa pangungusap.
Mga Uri ng Pangatnig
1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.
Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.
2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disinsana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng:
Answers & Comments
Verified answer
Answer:

ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa,
sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.
7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan, gayang: at - saka, pati, kaya, anupa’t.
Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano.
Halimabawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung gaano…siya rin.
Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.
TUNGKULIN NG WIKA - brainly.ph/question/18117303
PANITIKAN NG MINDANAO - brainly.ph/question/18090124
#BrainlyEveryday