Para sa bilang 6-15:Kilalanin kung panuto oh hindi.
6. Nakatanggap ang mga taga-Santa Clara County ng pag-apruba ng CDC upang maisagawa ang unang pagsubok ng COVID-19 sa kanilang laboratoryo ng pampublikong kalusugan noong ika-26 ng Pebrero taong 2020. 7. Mahalagang maging handa tayo sa anumang sakuna na darating sa ating buhay.
8. Marami sa atin ngayon ang labis na nahihirapan dahil sa pandemyang ating nararanasan.
9. "No Vaccine, No Classes." Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address ngayong taon.
10. Noong ika-5 ng Agosto taong 2020, inilabas ng Departamento ng Edukasyon na mayroon ng 47,587 aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
11. Sana ay magkaroon ng solusyon ang mga karahasang nagaganap sa mga kababaihan.
12. Ang Gender and Development ay gumagawa ng mga hakbang upang masolusyunan ang mga problema na may kaugnayan sa karahasan at pangaabuso sa mga kababaihan.
13. Tuluyan nang ipinasara ng House of Representative ang pinakamalaking broadcasting network sa Pilipinas na ABS-CBN Corporation noong ika-10 ng Hulyo taong 2020,
14. Ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa epekto ng maling pagmimina ay tinututulan ng ating saligang batas. Katunayan, may tinatawag na Writ of Kalikasan na nagsasaad ng ating karapatan para sa malusog na kapaligiran
15. Huwag basta-basta maniniwala sa mga post sa social media dahil baka ito ay fake news lamang,
Answers & Comments
Answer:
6.Hindi Panuto
7.Panuto
8.Hindi Panuto
9.Panuto
10.Panuto
11.Hindi Panuto
12.Hindi Panuto
13.Hindi Panuto
14.Hindi Panuto
15.Panuto
Explanation:
Ang Panuto ay nangangahulugang mga tagubilin,gabay o direksyon sa Pag sasagawa ng gawain.