Questions


October 2022 2 3 Report
Para sa bilang 2-5. Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay
ng mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula sa
sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A.Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
B.Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya,
masisi o maparusahan
C.Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
D.Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang
tao
2. Ipagkakalat ni Flor na ampon ang kaniyang kaklase kahit na ito ay hindi naman
totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais na makipagkaibigan sa
huli.
3. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Joey dahil sa isang paglabag sa
panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng ibang
kakilala na magpapanggap na magulang niya.
4. Kilala si Angelo sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na
nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa halip ay
kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng
guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya dahil palagi siyang kinakausap ng
kaklase.
5. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan.
Hindi nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan
dahil alam niya na hindi naman siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa
pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi na pala. Alam mo
na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya
upang magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa
paggawa ng proyekto sa inyong bahay. Ginawa mo ito dahil ayaw mong
mapahamak ang iyong kaibigan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.