Questions


August 2022 1 0 Report
Para sa Bilang 1-5: Sa pamamagitan ng mga nakatalang pahayag ay suriin kung ano ang katangian ng mga tauhan sa akdang binasa. 1. "Sa aki'y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop na bayaan mong matapos ang panata ko sa Panginoon." Si Donya Leonora ay a maka-Diyos b. masunuring anak 2. "Malayo nga lamang dito ang kinalalagyang reyno, gayon pa man, prinsipe ko, pagpagurang lakbayin mo. Ang Ibong Adarna ay a maawain b. maalalahanin 3. "Huwag Leonorang gilw, ang singsing mo'y dapat kunin; dito ako ay hintayin ako ý agad babalik din. Si Don Juan ay: a mahilig sa pakikipagsapalaran b. gagawin ang lahat para sa minamahal 4. "Kapwa kami mayro'ng dangal prinsipe ng aming bayan pagkat ako ang panganay sa akin ang kaharian." Si Don Pedro ay a mayabang b. mapagkumbaba 5. "Pairugan si Leonorang magpatuloy sa panata: Pedro'y pasasaan bagang di matupad iyong pita." Si Haring Femando ay a mapagbigay b. matapat Para sa Bilang 6-10: Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag na binitiwan ng mga tauhan sa akda. 6. "Kay Don Juan ano kaya ang ginhawang mapapala? Ang mamamatay sa pagluha at mabuhay na kawawa." (Don Pedro) a pinahihiwatig ni Don Pedro kay Leonora na tanging luha at pasakit lamang ang kanyang mapapala kay Don Juan na masama b. Ipinaliliwanag ni Don Pedro kay Leonora na limutin na si Don Juan sapagkat ang hinihintay na prinsipe ay napahamak na 7. "Ang bunso kong si Don Juan may loob na malumanay matapa't sa kaibiga't uliran sa kabaitan." (Haring Fernando) a Nalulungkot si Haring Fernando sa sinapit ng anak dahil sa labis na kabaitan nito siya ay napahamak. b. Naniniwala si Haring Fernando na ang kanyang anak ay isang taong uliran at may pusong dalisay. 8. "O Panginoon Haring mataas, Panginoon naming lahat sa alipin mo'y mahabag na ituro ang landas." (Don Juan) a Sa pagkapahamak at pag-iisa ni Don Juan, ang Diyos ang kanyang tinawagan upang siya ay tulungan at ituro sa kanya ang landas na dapat niyang lakaran. b. Bilang isang alipin, si Gon Juan ay nakalaang tahakin anumang landas na ituturo sa kanya ng ating Panginoon. 9. “Manalig kang walang hirap na di nagtatamong palad, pagmasdan mo't yaong ulap hinahawi ng liwanag." (lbong Adama) a. Sinabi ng Ibong Adara kay Don Juan na kasama sa kanyang kapalaran ang magdanas ng hirap ngunit hindi siya dapat matakot dahil siya ay nasa panig ng liwanag. b. Binigyang-payo ng Ibong Adama si Don Juan na patuloy na magtis anumang hirap ang kanyang harapin dahil tiyak na ang bagong pag-asa ay kanyang kakamtn.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.