Panuto:Punan ng mga angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang komposisyon tungkol sa mga mabubuting katangian ng mga Pilipino.Pliin ang angkop na salita sa loob ng kahon sa ibaba,

Mabubuting Katangian ng mga Pilipino

Likas sa mga Pilipino ang pagtataglay ng mga mabubuting katangian tulad ng pagmamahal sa bayan at sa pamilya, pagiging magalang, masipag at ang malalim na pananalig sa Diyos. Ang mga ito'y ilan lamang sa mga hinahangaang pagpapahalaga ng mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng matapat na paglilingkod sa anumang larangang kinabibilangan ay naipakikita ang pagiging mapagmahal sa bayan.Katulad ng mga bayaning 1._______ ng buhay, upang, 2.________lang natin ang kalayaan.Kaya't masasabing ang tapat na paglilingkod ay maituturing na 3.________Kilala rin ang mga Pilipino bilang mga mapagmahal sa pamilya. Ang pagiging malapit sa kasapi ng mag-anak sa isa't isa ay tanda ng kanilang malalim na pag-uugnayan. Maging hanggang sa pagtanda ay sinisikap ng mga anak na alagaan at 4.______ ang kanilang mga magulang bilang pagbabalik ng pagmamahal at 5.____ na sa kanila'y ipinadama noong sila'y bata pa. Maging sa pagkilos at pananalita ay naipakikita nila ang pagiging 6.____ sa kapwa at lalo't higit sa nakatatanda. Bilang mga manggagawang Pilipino nabibida sila sa taglay nilang kasipagan. Hindi nila sinasayang ang oras at matapat silang gumagawa kahit 7.______ upang makapaghanapbuhay lamang at ng mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Ang pinakaimportanteng pagpapahalaga ng mga Pilipino ay ang malalim na 8. sa Diyos.Naniniwala sila na hindi sila pababayaan ng Panginoon. Anumang 9. ang dumating sa kanilang buhay ay madali nilang hinaharap at magaan nila itong nadadala.Dulot ng lubos nilang paniniwala sa Diyos naroon palagi ang kanilang 10._____ na magiging maayos din ang lahat sa tulong at biyaya ng Maykapal.

pagpipilian:

Kabayanihan

arugain

pananalig

nagbuwis

suliranin

magsakripisyo

makamit

mapitagan

pagkalinga

pag-asa

Good ans:heart & 5 star

nonsense ans:report ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.