PANUTO:Pumili ng isang paksa mula sa ibaba at sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng 200 na mga salita gamit ang tatlong bahagi ng sanaysay (panimula katawan at wakas). Ang tatlong bahagi Isulat sa kupon. 1. Home Quarantine 2 Modyul 3. Social Media
Answers & Comments
Verified answer
SANAYSAY
PANUTO: Pumili ng isang paksa mula sa ibaba at sumulat ng isang sanaysay na binubuo ng 200 na mga salita gamit ang tatlong bahagi ng sanaysay (panimula katawan at wakas).
Home Quarantine
Bunga ng pandemya, nagkaroon ng home quarantine sa ating bansa at sa iba't ibang sulok ng mundo. Dito, nililimitahan ang paglabas natin kasama na ang pakikihalubilo sa ating kapwa. Dito dumaan sa maraming pagsubok ang mga mamamayan kaugnay sa usaping pagkain, pangkabuhayan at pang-araw araw na gastusin. Ating talakayin ang dulot ng home quarantine sa ating mga buhay.
Maraming mga Pilipino ang nagsabi na hirap sila sa buhay ngayong quarantine. Base sa isang survey, tumaas ang porsiyento ng nagsabi na sila ay stressed, depressed at may anxiety. Tumaas din ang nagsabi na sila ay nagkakaroon ng physical, mental and emotional breakdown. Ito ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanilang tahanan, unti unting nagkakaroon ng kalungkutan na pinagmumulan ng mga problema at balakid sa kanilang mga sarili. Dito, dumagdag din ang problema financially dahil sa kawalan ng trabaho ng marami sa mga Pilipino na nagdulot ng malaking pagsubok sa madaming Pilipino. Nagkaroon din ng problema sa edukasyon kung kaya't maging ang mga estudyante o mag-aaral ay nagkaroon ng struggle sa self-education.
Iminumungkahi ng mga eksperto at ng ilang istasyon na imbes na maging stressed dahil sa home quarantine ay gawin na lamang natin itong bonding kasama ang ating pamilya. Dahil sa pamamalagi natin sa ating tahanan, tatagal ang bonding natin sa ating pamilya at maaaring lumapit ang loob natin sa kanila sa tuwing tayo ay nalulungkot. Dito din maaaring makabawi ang ilang miyembro kung sila man ay nagkulang sa kanilang kapamilya noong wala pang quarantine. Tandaan natin, pamilya ang higit nating malalapitan sa mga ganitong sitwasyon dahil walang hihigit pa sa sakripisyo na kayang ibigay ng ating mya kadugo at ng Diyos sa lahat.
<3