Panuto
Inaasahang maiaplay mo ang iyong mga natutunan sa pamamagitan ng paggawa ng
LIMANG PANGUNGUSAP pangungusap na nagsasaad ng sanhi at bunga na
nagpapakita ng kilos at gawi ng tao sa panahon ng pandemiya. Isulat ito sa bawat
bilang sa ibaba.
1
2
3
4
5
report pag kung ano ano ang sagot
Answers & Comments
Answer:
Filipno 6 dlp 16 pagbibigay ng sanhi at bunga
1. 169 Module 16 6666 Filipino Pagbibigay ng Sanhi at Bunga A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
2. 170 Kumusta ka? Sana’y nasa mabuti kang kalagayan. Narito na naman ang isa pang aralin. Pagbutihan mo nang matuto ka nang lubos. Marami ka ng narinig o nabasang mga pangungusap na naglalahad ng tinatawag na sanhi at bunga. Subalit sa araling ito, ikaw mismo ang magbibigay ng sanhi at bunga dahil ito ang pag- aaralan mo sa modyul na ito. A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang magiging bunga ng sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Nagbubuga ng usok ang mga sasakyan. 2. Nagkalat ang basura sa mga kanal, estero at ilog. 3. Kailangan ang muling pagtatanim ng mga puno sa nakalbong kabundukan. B. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang sanhi ng sumusunod na mga sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Bumagsak sa klase. 2. Sumakit ang tiyan. 3. Ipinagmamalaki si Romel ng kanyang mga magulang. Subukin Natin Sa Mag-aaral Mga Dapat Matutuhan
3. 171 Tapos ka na? Kung oo ang sagot mo, iwasto ang iyong mga sagot. Tingnan sa Gabay sa Pagwawasto ang tamang kasagutan. Kung 5 o 6 ang nakuha mo, magaling ka! Magpatuloy ka na sa susunod na modyul. Kung 4 o mas mababa pa ang nakuha mo, huwag mag-alala. Para sa iyo ang modyul na ito, magpatuloy ka. May napapansin ka bang pagbabago sa ating kalikasan? Anu-ano ang mga pagbabagong ito? Nakabubuti ba o nakasasama ang mga ito? Sa palagay ninyo, nagagalit din ba ang kalikasan? Babasa ka ngayon ng kuwento ngunit bago ka babasa alamin mo muna ang kahulugan ng mga mahihirap na salitang mababasa mo sa kuwento. Talasalitaan: 1. pagdiriwang – selebrasyon; pagpipista 2. dukha – mahirap 3. tradisyon – kaugalian na pamana ng unang panahon Ngayon handa ka nang basahin ang kuwento tungkol sa ilog na nagagalit. Minsan, Nagalit ang Ilog Pag-aralan Natin
4. 172 Tuwang-tuwa ang buong baryo. Nalalapit na naman ang pagdiriwang ng kanilang kapistahan. Tulad ng dati, tatlong araw na namang ipagdiriwang ang kaarawan ng kanilang patrong si Nuestra Señora Buenviaje. Gaya ng inaasahan, walang tigil na pagsasaya ang magaganap sa buong baryo sa tatlong araw ng pagdiriwang. Walang tigil ang handaan para sa lahat. Bawat tahanan, mayaman o dukha ay tiyak na may handa. “Walang saysay ang tatlong araw na pagdiriwang kung walang pagodang igagayak,” ang sabi ng Kapitan ng Barangay. “Naging tradisyon na sa ating baryo na ilibot ang patron,sakay ng bangkang napapalamutian ng iba’t ibang kulay ng mga ilaw at sari-saring dekorasyon tulad ng mga prutas at gulay na inani natin taun-taon,” dagdag pa ng Kapitan. “Ang ibig ninyong sabihin, Kapitan, muling magkakaroon ng prusisyon sa ilog?”ang tanong ng isang lalaking may maputi nang buhok. “Talaga namang iyan ang ginagawa natin taun-taon, di ba?” ang balik na tanong ng Kapitan.” Napakaraming biyaya ang ipinagkaloob sa atin ng ating patron sa taong ito. Higit sa tatlong doble ang inani nating palay kung ihahambing sa mga nakaraang taon. At higit na maraming isda tayong nahuli sa taong ito. Napakaamo ng dagat kaya’t ibig kong maging higit na maganda, masaya at makulay ang kapistahan natin sa taong ito,” paliwanag pa nito. “Ngunit, Kapitan, napakarumi ng ilog. Kailangan malinis muna natin ito. Tambakan na ng basura ang ilog natin,” ang malungkot na sabi ng isang dalaga. “Hayaan mo’t bukas na bukas din ay ipalilinis ko ang ilog. May tatlong araw pa bago dumating ang masayang araw na ating pinakahihintay. Ang ilog na lang ang problema makalawa,” ang sabi ng Kapitan. Lumipas ang isa, dalawa at tatlong araw. Hindi naipalinis ni Kapitan ang ilog. “Hindi ko naipalinis ang ilog dahil abala tayong lahat sa prusisyong gaganapin,” umpisang paliwanag ng Kapitan. “Hindi bale, pag daraan ang bangka, tiyak namang mahahawi ang mga dumi at sukal na naghambalang sa ilog.” Araw ng pistang baryo. Handang-handa na ang lahat sa prusisyong magaganap. Naroon na sa bangka ang patron. Kayganda na bangka! Ang liwanag nito at napakaraming dekorasyon may iba’t ibang kulay, hugis at sukat. Kayraming taong ibig sumakay sa bangka. Bata’
Step-by-step explanation:
sana makatulong