Panuto:D. PAGKILALA SA PAMAMARAAN NG PAGSULAT, Suriin ang pahayag at kilalanin ang pamamaraan ng pagsulat ayon sa layunin. Isulat ang sagot sa patlang. (5 puntos bawat sagot.)

1. Ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na Italyano na nakasapit sa ating bansa noong 1696, ang mga unang Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at mga ilog ay sumasamba sa mga puno ng Balite. Siya ay naglibot sa mga paligid sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinatawag na Lawa ng Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga naninirahan dito.

2,"Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya'y mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng kawayan at ihawin sa nagbabagang uling. Bilog na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg. Nakasaklay na ang kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika niyang labi na ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang tangkad.Kung maglakad siya'y parang nakawalang bulog. Sumenyas siya. Pinapupunta kami sa loob ng kanyang kural, este opisina."

3.Paraan ng pagluluto ng Bola-bola: Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng dinurog. Timplahan ng asin, budburan ng kaunting paminta at ihalo ang harina. Gumawa ng katamtamang laki ng bola-bola at kapag nabilog na ay iprito sa mahina-hinang apoy hanggang sa pumula ito.llagay sa mantika ang pinitpit na bawang at kapag mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang sibuyas at kamatis. Sabawan ng mga anim na kutsarang tubig ang kawali hanggang sa maging parang sarsa ang sabaw.Ihalo ang mga ginawang bola-bola at pabayaang kumulo. Pagkaraan ng limang minuto, hanguin ang nilutong bola-bola at ihain ito nang mainit.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.