Panuto:
1. Gumawa ng plano ng pagsasabuhay o action plans sa isang buong papel kung paano mo simulan ang sariling mithiin sa iyong pag-aaral tungo sa kabutihang panlahat ngayong panahon ng Bagong Normal.
2. Alalahanin ang proyektong gagawin ay nararapat alinsunod sa mga patakaran na ipinaiiral ng lokal na pamahalaan kaugnay sa Bagong Normal.
3. Gamitin mo ang pangkat na ito: " Ang Aking Pag-aaral Bilang Pakikibahagi sa Pagkamit ng Kabutihang Panlahat "
4. Sundan mo sa iyong bubuuing plano ng pagsasabuhay ang sumusunod na gabay na tanong:
a. Ngayong panahon ng Bagong Normal, ano-ano ang gagawin mo sa iyong pag-aaral bilang pakikibahagi mo sa pagkamit ng kabutihang panlahat?
b. Kailan mo ito sisimulan? Bakit?
c. Sino-sino ang hiningan mo ng tulong sa pagsasakatuparan ng iyong mga nakatalang gawain sa iyong pag-aaral? paano sila makakatulong sa iyo?
d. Ano ang naramdaman mo sa iyong nabuong plano ng pagsasabuhay o action plan ng iyong pag-aaral ngayong panahon ng Bagong Normal ano naman ang napagnilayam mo tungkol dito? Ipaliwanag.
please answer it briefly.
thank you in advance.
Answers & Comments
A. Susunod ako sa mga health protocols upang makamit ko ang kabutihang panlahat. Maibabahagi ko ito kung sisimulan ko ito sa aking pamilya at mga kaibigan kagaya na lamang ng pagpapaalala sa kanila na magsuot ng facemask sa tuwing lalabas.
B. Ito ay nasimulan ko na noon pa dahil malaki ang maitutulong nito sa lahat at alam kong ito ay makabubuti para sa akin at sa iba .
C. Ang nakatulong sa akin ay ang aking mga magulang. Nalatulong sila sa akin sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay sa aking mga desisyon at pagtuturo ng ilang mga aralin sa akin.
D. Ang naramdaman ko ay ang pagkakaroon ng kasiyahan dahil kahit papano ay nakapagbahagi ako ng mabuting gawain sa iba. Ang napaglinayan ko tungkol dito ay ang pagkakaroob ng mabuting desisyon na hindi ikapapahamak ng lahat. Ito ay upang maging ligtas at masigurong tama ang mga desisyong aking ginagawa at ito ay nakatutulong sa marami
sana nakatulong :)