Questions


August 2022 1 2 Report

Panuto: Unawaing mabuti ang mga tanong at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mataba kong pusa ay palaging nakahuhuli ng maliit na daga. Ang palagi ay
pang-abay na
a. pamaraan
b. pamanahon
c. panlunan d. panaklaw
2. Palipat-lipat sa mga sanga ang ibong maliit habang umaawit. Anong pang-abay na panlunan ang
makikita sa pangungusap?
a. palipat-lipat
b. sa mga sanga
c. ibong mallit d. umaawit
3. Pabiglang itinulak ni Kate ang marupok na pintuan kaya nasira ito. Anong salita sa loob ng
pangungusap ang pang-abay na pamaraan?
a. pabigla
b. itinulak
c. Kate
d. marupok
4. Nakangiti ako habang tinitingnan ang mga kumukutitap na mga bituin sa langit. Anong pang-abay
na panlunan ang nasa pangungusap?
a. nakangiti
b. kumukutitap c. bituin
d. sa langit
5. Ang payat na bata ay patihayang bumagsak nang matapakan niya ang balat ng saging kanina. Ang
salitang kanina ay pang-abay na
a. pamaraan b. pamanahon c. panlunan d. panaklaw
6. Talagang masarap mamuhay sa bukid dahil preskong hangin at mga pagkain ang matitikman mo.
Ang salitang talaga ay pang-abay na
a. pamaraan b. pamanahon
c. panlunan d. panaklaw
7. Biglang umiyak ang batang paslit nang maipit ang kanyang kamay sa upuan. Anong parirala sa loob
ng pangungusap ang nagsasaad ng sanhi ng pangyayari?
a. paslit nang maipit
b. umiyak ang batang paslit
c. biglang umiyak ang batang paslit
d. nang maipit ang kanyang kamay sa upuan
8. Masayang tumatalon sa damuhan si Tipaklong habang masipag na nag-iimbak ng mga pagkain si
Langgam. Ano kaya ang magiging bunga nang ginagawa nilang dalawa sa darating na tag-ulan?
a. Hindi magugutom si Langgam c. Magkakasakit si Langgam
b. Hindi magugutom si Tipaklong d. Maglalaro pa rin si Tipaklong
9. Nanumbalik ang sigla ng kalikasan nang marami ang natutong magtanim ng mga bulaklak at
punongkahoy sa kani-kanilang mga bakuran. Anong nagging bunga sa pagtatanim ng mga tao ng
bulaklak at punongkahoy?
a. nagalit ang inang kalikasan c. nalugmok ang inang kalikasan
b. naging masaya ang inang kalikasan d. umiyak ang inang kalikasan
10. Biglang nagalit ang Pangulong Duterte nang malamang winaldas lamang ng iilang opisyales ng
ating pamahalaan ang perang para sana ay sa mahihirap na mamamayan. Anong linya sa
pangungusap ang nagsasaad ng bunga?
a. ang Pangulong Duterte
b. para sana ay sa mahihirap
c. biglang nagalit ang Pangulong Duterte
d. nang malamang winaldas lamang ng iilang opisyales ang pera ng pamahalaan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.