Panuto: Unawain ang maikling teksto. Gumawa ng isang dayagram na nagpapakita ng sanhi at bunga.
1.Walang humpay ang pagputol ng kahoy sa mga bundok at kagubatan. Ang ating pamahalaan ay pinagwawalang-bahala ang illegal na pagkakahoy at hindi pag-uukol ng atensyon sa muling pagpapasibol at pagtatanim ng mga punongkahoy. Ang ating mga kabundukan ay kalbo na. Nararansan na natin ang bunga ng mga gawaing iyon. Ang pagkakaroon ng tagtuyo’t kung katag-arawan at ang malalaking baha kung tag-ulan.
2. Muli nanaman tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Karamihan sa mga COVID referral hospital ay puno na at ang iba ay nasa critical level na. Nagkakaubsan na rin ng supply ng mga oxygen tanks at iba pang medical supplies na ginagamit para sa paggagamot ng sakit na ito. Ayon sa mga eksperto patuloy parin ang pagtaas ng kaso sa ating bansa dahil sa pagsasawalang bahala ng mga tao sa mga itinakdang health protocols ng pamahalaan. Marame parin sa mga tao ang hindi nagsusuot ng mask o kaya naman hindi tama ang pagsusuot nito. Patuloy parin ang pag-daos ng mga kasiyahan o parties na kinakalahukan ng marameng tao.
Answers & Comments
Answer:
Di ako makagawa nang Diagram ikaw na bahala. Paghihiwalayin ko lamang ang Sanhi at Bunga
----------
SANHI
- Walang humpay ang pagputol ng kahoy sa mga bundok at kagubatan..............at pagtatanim ng mga punong-kahoy
- Ayon sa mga eksperto patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso sa ating bansa...........kinalalahukan ng maraming tao
BUNGA
- Ang ating kabundukan ay kalbo na.....Malakihang baha kung tag ulan
- Muli na namang tumataas ang mga kaso ng COVID 19 sa ating bansa............ginagamit sa panggamot ng sakit na ito
Explanation:
SORRY TINATAMAD AKO ITYPE LAHAT KAY PURO TULDOK