Questions


October 2022 1 2 Report
Panuto: Tukuyin kung nagpapahayag ng katotohanan o opinyon ang mga sumusunod. Isulat sa sagutang papel ang K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at O naman kung ito ay opinyon.
1. Noong taong 2015, nahalal na pangulo si Benigno “Noynoy" Aquino III.

Para sa akin, mas mahusay na pangulo si Aquino kaysa kay Arroyo.

2. Sa aking palagay, mas masustansiya ang prutas kaysa gulay.

Ang prutas ay nagtataglay ng iba't ibang bitamina at mineral.

3. Ang sigarilyo ay nagtataglay ng nikotina at iba't ibang kemikal na nakasasama sa kalusugan.

Naniniwala ako na ang mga taong naninigarilyo ay masasama.

4.Ang isang buong linggo ay binubuo ng pitong araw.

Sa pakiwari ko, Sabado ang pinakamasayang araw.

5. Bumisita sa bansa si Pope Francis noong Enero ng taong 2015,

Sa tingin ko,nasiyahan ang lahat ng mga Pilipino sa kaniyang pagbisita.

6. Marso ng taong 2020 nang ipatupad ang lockdown sa buong Luzon dahil sa kinaharap na pandemya.

Hinding hindi maaaring lumabas ang lahat ng mga naninirahan sa buong Luzon.

7. _Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog Silangang Asya.

Sa paniniwala ko, sa Pilipinas pinakamainam na manirahan.

8. Si Andres Bonifacio ang Ama ng Katipunan.

Sa aking pananaw, siya ang pinakamagiting na bayani na lumaban para sa kalayaan ng bansa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.