Panuto: Tukuyin kung anong pokus ng pandiwa ang sumusunod na pangungusap. Isulat nakalaang patlang ang sagot.
1. Nagtayo ang karpintero ng bahay.
2. Iluluto nila ang gulay.
3. Ipagluto ninyo ang nanay ng sopas.
4. Ipangguhit ninyo ang lapis.
5. Kumain siya ng mais.
Answers & Comments
Answer:
1. Pokus sa Tagaganap o Aktor
2. Pokus sa Layon o Gol
3. Pokus sa Tagatanggap
4. Pokus ng Gamit
5. Pokus sa Tagaganap o Aktor