Questions


August 2022 1 0 Report
Panuto: Tukuyin kung ang uri ng diyalogo sa sitwasyon ay I-Thou o I-It. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.
______________1. Kailangan ni Daniel na maibenta ang kaniyang lumang kotse dahil nais
niyang makabili ng bago. Nagtungo siya sa kaniyang kumpare. Nakumbinsi naman niya ito
dahil sila’y nagkasundo sa halaga nito.
______________2. May suliranin si Jane sa kaniyang pamilya. Kailangan niya ng
mapaghihingahan ng kaniyang sama ng loob. Pumunta siya sa kanilang gurong tagapayo.
Alam ni Jane na bibigyan siya nito ng panahon at hindi siya nito huhusgahan.
______________3. Maganda ang samahan nina John at kaniyang ama. Pinakikinggan nito
ang kaniyang mga opinyon sa tuwing sila’y nagkakausap. Bagama’t hindi siya nito laging
pinagbibigyan sa kaniyang mga gustong gawin, alam ni John na ito’y para sa kaniyang
ikabubuti.
_______________4. Malapit na ang semestral break. Niyaya si Josie ng kaniyang kaibigan
na magbakasyon sa isang kilalang resort. Nag-isip si Josie ng paraan upang makumbinsi
ang kaniyang mga magulang ngunit sa kanilang pag-uusap ay hindi rin niya ito napapayag.
_______________5. Madalas nagkakagalit ang magkapatid na Wally at Jose. Hindi nila
pinakikinggan ang sinasabi ng bawat isa. Kapwa ayaw magpatalo sa argumento ang
dalawa.
_______________6. Gandang-ganda si Juan kay Mila. Nang minsang magkita sila at
nagkausap, masayang masaya si Juan. Wari ba’y si Mila at siya lang ang nasa silid, hindi
nila kapwa napapansin at naririnig ang ibang tao.
_______________7. Nagkaroon ng pagpupulong ang Samahan sa Edukasyon sa
Pagpapakatao sa paaralan ni Joan. Si Wency, ang pangulo nito. Nais ni Joan na imungkahi
sa samahan ang isang proyekto para sa nalalapit na “Boys and Girls Week,” ngunit hindi
siya nagkaroon ng pagkakataon. Si Wency ang nasunod sa lahat ng proyekto.
_______________8. Pinagsabihan ni Aling Juana si Milet dahil sa ginawa nitong pag-alis
nang walang paalam. Walang magawa si Milet kundi ang umiyak. Lubos siyang nagsisisi sa
pagsuway sa kaniyang ina.
_______________9. Malapit na ang ika-13 kaarawan ni Jules. Sinabi ni Jules sa kaniyang
mga magulang na nais niya ang isang party upang maimbita ang kaniyang mga kaibigan.
Iminungkahi naman ng kaniyang mga magulang na sila’y kumain na lamang sa labas at ang
gagastusin sana sa party ay ibili na lamang ng mga damit para sa mga bata sa ampunan.
Sa huli’y pumayag si Jules sa mungkahi ng mga magulang.
______________10. Hindi magkasundo ang mag asawang Ruiz para sa mga desisyon sa
kanilang mga anak. Magkaiba sila ng mga pananaw tungkol sa mga pagpapalaki sa mga
bata.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.