Questions


January 2022 1 8 Report
Panuto: Tukuyin kung aling katangian ng wika ang ipinapahiwatig sa bawat aytem. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa kuwaderno.
A. may masistemang balangkas
B. sinasalitang tunog
C. pnipili at isinasaayos
D. arbitraryo
E. pantao
F. nagbabago o dinamiko
G. komunikasyon
H. nakabuhol sa kultura
I. malikhain
J. natatangi

1.) May mga salitang hindi mahanapan ng katapat na salita sa isang wika.

2.) Ang lahat ng tao sa daigdig ay gumagamit ng wika upang makipag-ugnayan sa isa't isa.

3.) Ang bawat titik sa Alpabeto ay may kaniya-kaniyang kumakatawang tunog.

4.) Maraming mga salitang umuusbong na ginagamit ngayon ng mga kabataan.

5.) Nakapaloob sa wika ang kakayahan at kakanyahan nitong makalikha ng mga walang hanggang mga pangungusap.

6.) Lahat ng wika ay may estrukturang sinusunod at ito ang batayan upang makapaghatid ng mensahe.

7.) Ang tao ay kayang matuto ng dalawa o higit pang mga wika bagay na hindi kayang gawin ng mga hayop.

8.) Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon tayo ng kamalayan ukol sa pamumuhay, saloobin, at tradisyon ng mga taong gumagamit nito.

9.) Sa paglipas ng panahon may mga salitang nagbabago ang kahulugan batay sa pagkakagamit nito ng mga tao.

10.) Ito ay katangian ng wika na nagpapakita ng proseso ng pakikipagpalitan ng mga opinyon, mensahe, o idea.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.