Questions


December 2022 1 2 Report
Panuto: Suriin at ayusin ang mga pangungusap batay sa pangyayari sa Florante at Laura. Lagayan ng bilang 1 (unang pangyayari) hanggang 10 (huling pangyayari). Isulat ang sagot sa linya bago ang bilang.

1. Ang paghihinagpis ni Florante ay nasaksihan at narinig ng isang girero na si Aladin at iniligtas niya ito sa tangkang pagkain ng mga liyon.

2. Habang tumatangis si Florante ay mayroong dalawang gutom na liyon ang dumating sa kinaroroonan niya at siya ay nawalan ng lakas ng loob na mabuhay at siya ay nawalan ng malay.

3. Habang tinutugis nina Menandro at ilang mga kawalsi Adolfo sa kagubatan ay laking gulat niyang makita niya sina Florante at Laura. Bumalik sa kahariang Albanya sina Florante, Laura, Menandro, at ilang kawal kasama rin sina Aladin at Flerida.

4. Nagkaroon ng panahon na gamotin siya ni Aladin at nang magising si Florante na nasa bisig siya ni Aladin at nagtaka ito kung bakit hawak siyang isang moro.

5. Nagpabinyag sina Aladin at Flerigla upang maging kristiyano at kinasal sina Florante at Laura saisa' tisa ganoon din sina Aladin at Flerida.

6. Nagpakilala sa isa't isa sina Florante at Aladin at ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay kay Aladin at kung paano siya napunta sa kalunos-lunos na kalagayan.

7. Nang matapos na magkuwento si Florante ay si Aladin naman ang nagkuwento ng kanyang buhay at kung paano siya napunta sa kagubatan. Habang nagkukuwentuhan sina Florante ay may narinig silang tinig ng dalawang babae na nag-uusap.

8. Sa isang masukal na gubatmayroong isang binatang nakagapos sa isang punong higera, siya si Florante. Siya ay nagpapahayag ng kaniyang pighati sa nangyari sa kaniyang buhay, sa kanyang ama, sa pagtataksil ni Adolfo, atsa pagpapakasal ni Laura kay Adolfo.

9. Sa kabilang dako ng kagubatan ay mayroong dalawang babae na nag-uusap, sila ay sina Flerida at Laura. Ikinuwento ni Flerida ang nangyari sa kanyang buhay ganon din si Laura hanggang sa magtagpo silang dalawa dahilin upang marinig nina Florante at Aladin ang tinig ng dalawa at nagbunga ng kanilang pagkikitang muli.

10. Sina Florante at Laura ang namuno sa kahariang Albanya at nang mamatay si Sultan Ali-Adab ay bumalik sina Aladin at Flerida sa persya at sila ang namuno sa kahariang naiwan ni Sultan Ali-Adab.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.