Questions


August 2022 1 3 Report
Panuto: Suriin ang mga sumusunod. Piliin ang wastong sagot sa bawat bilang at isulat sa papel sagutan ang letra lamang.
1. Si Leah ay nais maging guro pagdating ng araw. Bata pa lamang siya ay ito na talaga ang kanyang nais. Kahit hikayatin siya ng
mga kaibigan na kumuha ng ibang kurso sa kolehiyo ay hindi niya ito pinapakinggan. Pag-aaral nang mabuti ang kanyang
ginagawa para matupad ang kanyang pangarap. Sa tulong ng gabay ng kanyang magulang ay umaasa siya na matutupad niya ito.
Ano ang ipinakita ni Leah sa kanyang pangarap na maging guro kahit hikayatin siya ng kaibigan ay hindi pa rin nagbago ang nais
niya?
A. Alam talaga angkung ano ang nais sa buhay C. Ipinakita ang tunay na ikaw
B. Nanatiling bukas ang kumonikasyon D. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan
2. Anong tulong ang ibinigay ng magulang ni Leah upang matupad ang kanyang pangarap?
A. Pagganyak sa kanyang pangarap C. Disiplina sa araw araw
B. Gabay sa pagtupad ng pangarap D. Kakayahang iakma ang sarili
3. Si Ferdie ay Malaki na ang pinagbago sa pakikipaglaro. Dati gusto niya na lahat ng laruan ay kanya. Ngayon marunong na
siyang magbahagi sa mga kalaro at hindi na siya nakikipag-away. Si Ferdie ay nagpakita ng:
A. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan C. Pagtamo ng mapanagutan asal
B. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan D. Pagtanggap ng papel sa lipunan
4. Ang mga sumusunod sa paghahanda para sa paghahanapbuhay, maliban sa isa na hindi. Alin ito?
A. Kilalanin ang iyong mga talent, hilig at kalakasan C. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay
B. Magkaroon ng plano sa kursong nais D. Magkaroon ng oras sa paglalaro at libangan
5. Para kay ate, ang pamilya ang mahalaga sa buhay ng tao. Kaya nagsisikap si ate na makatapos ng pag-aaral upang matulungan
ang aming magulang sa pagpapa-aral sa aming magkakapatid at sa iba pang gastusin sa bahay. Ano ang katangian na ipinakita
ni ate?
A. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya. C. Paghahanda para sa pagpapamilya
B. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal D. Pagtanggap ng papel sa lipunan bilang babae
Panuto: Tukuyin ang mga umusunod na pahayag. Isulat sa papel sagutan ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung
ang pahayag ay mali.
6. Ang bawat tao ay may kanya kanyang kakayahan at kilos na dapat tugunan sa buhay.
7. Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata ay kailangan na may motibasyon sila upang gawin ang dapat inaasahan sa kanila
ng lipunan.
8. Sa pagtatamo ng bagong pakikipag-ugnayan sa kasing-edad, mainam na ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay hayaan sa
mga nais nilang gawin kahit walang gabay ng magulang dahil bahagi na ito ng kanilang buhay.
9. Sa kursong nais kuhanin sa kolehiyo dapat ay malinaw sa iyong sarili kung ano ang iyong talagang gustong mangyari sa buhay
mo.
10. Hindi na kailangan na gumawa ng mga plano sa buhay dahil nakasalalay na ito sa kung anong kapalaran ang darating sa
bawat isa.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.