Panuto: Sumulat ng isang tulang elehiya tungkol sa epekto ng pandemya sa kasalukuyang panahon. malayang taludturan at binubuo ng 5-6 na saknong ang inyong isusulat na tulang elehiya.(kung isa sa kapamilya o kakilala ninyo ang kinapitan ng COVID-19 maaaring ito ang maging basehan ninyo sa pagsulat ng inyong tula.)
Answers & Comments
Answer:
Hinahangad kong gumising,
Sa bisig ng magulang na magiting; Na kahit sariling anino'y haharapin, Nang sa dilim ika'y di mapasailalim.
Hintay! Sandali!
Ayoko munang magbakasakali;
Hangarin ang mundong nais ko'y di madali, Pangarap na paglabas ay tila mali.
Saan? Paano? Kalian? Tao'y tila nagugulumihan; Di na mawari ang nangyayari sa kasalukuyan, Sandaigdigan ay may kakaibang laban.
Samu't saring kalamidad, Sakit na pakalat-kalat; Mga kaganapang kagulat-gulat, Buhay mo ay wala nang siguridad.
Hintay, sandali!
Ako pa kaya ay makakauwi?
Mamulatan pa kaya ang mundong inaasam? Mayakap pa kaya ng aking mga magulang? kahit dalawang linggo nang nag-aabang? Sa muli kong paglaya o pamamaalam?
Explanation:
pa brainliest po