PANUTO: Sumulat ng isang talata na naglalarawan tungkol sa kaugalian at uri na pamumuhay ng alinmang lugar sa Pilipinas. (Pumili lamang ng isang lugar 1. Dumaguete 2. Cebu 3. Mindanao 4. Ifugao 5. Bohol
Ang Pilipinas ay isang pangkaraniwang bansa na binubuo ng iba’t ibang isla. Ang hiwa hiwalay na isla ay binubuo ng tatlong grupo, ang Luzon, Visayas at Mindanao. Dahil na rin sa ating hiwa-hiwalay na isla ay iba iba ang ating wika ngunit hindi ito naging hadlang upang ang lahat ng Pilipino sa iba’t ibang isla ay magkaintindihan. Mayroong Kapampangan, Ilocano, Bisaya at iba pang mga wika ang bansa.
Ang Visayas kung saan matatagpuan ang Dumaguete ay mayroong maraming wika, may Bisaya, Cebuano at Ilonggo. Maging ang tono at uri ng pagsasalita ay iba iba rin, depende kung saan ka banda sa Visayas nakatira. Ngunit lahat ng tao ay nagkakaintindihan dahil ang iba ibang wika kahit papaano ay may pagkakatulad.
Ang mga Dumagueteño ay Bisaya ngunit magaling magsalita ng Ilonggo at Tagalog. Bakit? Maliban sa impluwensya ng telebisyun ay maipagmamalaki rin natin na ang ating lugar ay dinarayu ng ating mga karatig lugar at isa ito sa mga dahilan na mas natutunan natin ang wika nila at natuto din sila sa ating wika. Hindi maipagkakaila na sikat ang Dumaguete sa mga kapwa natin Pilipino at ang lugar ay binabalik balikan ng mga dumarayo dito.Ang Dumaguete ay higit na kilala bilang “City of Gentle People”. Bakit nga ba nakilala tayo bilang lungsod ng mababait na tao? Ito ay dahil sa ating kagandahang-asal at paggalang sa mga kaugalian at pag-uugali. Hindi lingid sa ating kaalaman na marami ang dumadayo sa lungsod at karamihan sa mga dayo na naninirahan na talaga dito sa Dumaguete ay nagustuhan ang lugar sa iba’t iba at hindi na mabilang na mga kadahilanan.
Ang Dagit Dumaguete ay minsang nag-ikot-ikot sa lunsod at nagtanong-tanong sa aming mga nakasalubong kung ano ang isang bagay na nagustuhan nila sa Dumaguete. Karamihan sa kanila ay nagustuhan ang tahimik, mapayapa, banayad, at payak ang pamumuhay dito. Iilan lamang ito sa maraming dahilan kung bakit ang Dumaguete ay mahal at minamahal ng hindi lamang ng mga katutubong Dumagueteño kundi pati narin ng mga dayuhan at turista.
Maging ang mga kapwa Pilipino natin ay nahihikayat na manirahan dito sa lungsod ng Dumaguete. Sa katunayan ay mayroong sumulat ng tungkol sa kanyang karanasan dito at kung paano napamhal sa kanya ang Dumaguete.Ang lungsod ng Dumaguete ay isa sa mga lugar na totoong mayaman sa kultura at mayabong ang pamumuhay. Sa tagal kong pamamalagi rito marami akong napagtanto, isa sa mga ito ay ang pagpatunay na totoo talagang “City of Gentle People,” ang lugar na ito. Halos lahat ng mga tao rito ay madaling pakisamahan, mapagkumbaba, mababait at magigiliw sa mga panauhin. Ilan lamang ito sa mga katangian ng mga tao rito.”
Answers & Comments
Answer:
1.Dumaguete
Explanation: