Panuto: Sumulat ng isang bukas na liham para sa ating bayan. Ito ay dapat na naglalaman ng iyong mga saloobin at hinuha hinggil sa mga napapanahong isyu. Salungguhitan ang mga salitang nagpapakita ng iyong emosyon na ginamit sa loob ng liham at isaayos ito batay sa digri o tindi ng damdaming ipinahahayag. Ito ay dapat binubuo ng simula, gitna at wakas. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba.
Answers & Comments
Answer:
Date :
Para sa ating bayan,
Sa kasalukuyan ay ang ating bansa ay nabalot ng takot at pangamba dahil sa lumaganap na pandemya na namayani ng ilang taon, dahil dito marami ang namatayan ng mahal sa buhay, nawalan ng trabaho, at nangahirap ang ating ekonomiya. Ako ay nakikiluksa sa mga nawalan ngayon ng mahal sa buhay gawa ng pandemya na ito, nawa'y ang kaluluwa ng inyong mahal ay maging payapa at umakyat sa langit. Maraming nagbago katulad ng "new normal" ang pag bago ng sistema ng edukasyon, pagsusuot ng facemask at faceshield. Kung ano man ang ating pinagdaaanan ngayon ay nawa'y matapos natin ito at lagi tayong magpakatatag dahil ito ay isa lamang pag subok na binigay sa atin ng poong may kapal. Ang ating bayan ay unti unting bumabangon dahil ngayon ay mayroon ng bakuna laban sa virus na kumalat kaya tayo lang ay magpakatatag dahil babalik din ang lahat sa dati, Laban Pilipinas!
Nagmamahal, (pangalan mo)