Panuto: Salungguhitan ang mga sawikain na nasa pangungusap. 1.) Talagang bukas ang palad ni Rodrigo pagdating sa mga kasama niyang mangingisda. 2.) Maraming bayarin sa bahay nila kaya butas ang bulsa ni Kiko ngayon. 3.) Araw-araw ay nagsusunog ng kilay ang batang si Jaime. 4.) Walang masama sa pagiging anak-pawis. 5.) Napaka balat-sibuyas mo naman. 6.) Hindi ako naniniwala sa mga balitang kutsero ni Aries. 7.) Mahirap talaga kapag butas ang bulsa. 8.) Hindi ako makakapayag na sa hampas-lupang iyan ka lamang mapupunta. 9.) Kahit maglubid ng buhangin si Ara ay siguradong lalabas din ang katotohanan. 10.) Matalas ang dila ni Mona kaya marami ang naiinis sa kanya. 11.) Agaw-dilim nang umuwi si Ben sa kanilang bahay. 12.) Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop. 13.) Minahal ng labis ni Inday si Dodong ngunit panakip butas lang pala siya. 14.) Mahilig magtengang-kawali ang anak ni Aling Iska. 15.) Utang na loob ko sa kanya ang aking buhay.
Answers & Comments
Answer:
1. BUKAS ANG PALAD
2. BUTAS ANG BULSA
3. NAGSUSUNOG NG KILAY
4. ANAK-PAWIS
5. BALAT- SIBUYAS
6. KUTSERO NI ARIES
7. BUTAS ANG BULSA
8. HAMPAS-LUPANG
9. MAGLUBID NG BUHANGIN
10. MATALAS ANG DILA
11. AGAW- DILIM
12. ASAL HAYOP
13. PANAKIP BUTAS
14. MAGTINGANG -KAWALI
15. UTANG NA LOOB
Explanation:
YAN PO ANG TAMANG SAGOT GOD BLESS PO ❤️