Panuto: Sagutan ang sumusunod na mga tanong, Isulat ang sagot sa isang kalahating papel. 1. Ang 2. 3. 4. 5. ay masining na pagpapahayag ng damdamin na hinango sa guniguni. ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod. ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng panghuling salita ng taludtod. ang tawag sa mga salitang may natatagong kahulugan. ay mga salitang may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa. ang pagsasama-sama ng mga katangiang nagpapatingkad sa tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa. ang mga salitang binanggit sa tula na may malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. 6. 7. 8. ang tawag sa isang tulang isinusulat na walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang nanaisin ng sumulat. ay isang anyo ng tula na may sukat at tugma at gumagamit ng mga salita na may 9.
Answers & Comments
Verified answer
TULA, MGA ELEMENTO AT URI NITO
Sagot:
1. Ang TULA ay masining na pagpapahayag ng damdamin na hinango sa guniguni.
Paliwanag: Isang uri ng akdang pampanitikan ang tula na siyang hinango sa guniguni ng nagsusulat at may taglay itong sining, damdamin at kariktan.
2. SUKAT ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Paliwanag: Halimbawa, ang unang taludtod na ito ng tulang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" na isinulat ni Gat Andres Bonifacio: "Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya?", ay may sukat na 12 pantig.
3. TUGMA ang pagkakaroon ng pare-parehong tunog sa dulo ng panghuling salita ng taludtod.
Paliwanag: Halimbawa ng mga salitang magkatugma sa tulang "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" ay kaya - dakila at lupa - wala.
4. TALINHAGA o MATALINHAGANG SALITA ang tawag sa mga salitang may natatagong kahulugan.
5. SIMBOLISMO ay mga salitang may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
6. LARAWANG DIWA ang mga salitang binanggit sa tula na may malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
7. MALAYANG TALUTURAN ang tawag sa isang tulang isinusulat na walang sinusunod na patakaran kung hindi ang ano mang nanaisin ng sumulat.
8. TRADISYUNAL ay isang anyo ng tula na may sukat at tugma at gumagamit ng mga salita na may malalim na kahulugan.
Maaari ka pang magbasa tungkol sa tula:
brainly.ph/question/9014921
#BRAINLYFAST