Panuto sa Buhay ni Adelwisa P. Mendoza Ang buhay ng tao ay puno ng karanasan, Na kailangang ingatan at pahalagahan. Mga pagkakamali na dapat iwasan, At ipagpatuloy mga gawang may kabutihan. Mga pag-uugaling hindi natin napapansin, Kagaya ng paghusga, diyan tayo magaling. Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna, Bago ka mamintas ng mukha ng iba. Kung sa paglakad may matatalisod ka, Magdalawang isip ka’t magbilang ka muna. Sa anomang lalakarin makasampong beses na pakaisipin, Upang di pagsisihan ang sasapitin. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sayo, Gintong utos ng Diyos diyan ka mapapanuto. Isipin mo palagi kapakanan ng kapwa sa bawat kilos mo, Upang mapanatili respeto at pakikipagkapwa tao. Pakatandaan mong ang lahat ay may dahilan, At ang lahat ng dahilan ay may bungang naghihintay. Nasa Diyos ang awa, Nasa tao ang gawa. Sa Diyos ang karunungang iyong tinataglay, Kaya’t huwag kalimutang magpasalamat sa Poong maykapal. Gawing makabuluhan buhay na ibinigay. C. Pag-unawa sa binasa
1. Ano ang paksa ng tula?
2. Pansinin ang mga pahayag na nakasulat ng pahalang sa akda at tukuyin ang uri ng karunungang-bayan na kinabibilangan nito.
3. Ilahad ang kaisipang nais palutangin ng may akda.
4. Paano mo ito maiuugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyan ?
5. Mahalaga bang pag-aralan ang mga karunungang-bayan? Ipaliwanag.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.