Panuto: Pumili ng isa sa mga sumusunod na larawan na iyong maiuugnay sa sariling karanasan. Sumulat ng maikling sanaysay na naglalarawan sa iyong napiling paksa Lapatan ito ng pamagat.
“Wala ka bang napapansin, sa iyong mga kapaligiran. Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.” Ang mga titik na ito ay nagmula sa awiting "Handog" ng Asin, Masdan Mo Ang Kapaligiran. Kung papakinggan at babasahin ito ng mabuti, mapapansin natin na ito ay may mensaheng hatid sa atin. Nagiging madumi na ang hangin, bakit? Nagiging madumi na din ang tubig, bakit? Dahil sa atin. Ano ang ginagawa natin? Panay ang pagtatapon ng basura.
Kahit saan tayo magpunta, makikita natin na ang isa sa mga pangunahing problema ng ating pamayanan ay ang pagdami ng basura sa kapaligiran. Dahil sa pagdami ng basura, marahil ay hindi na natin alam ang gagawin upang mabawasan ito. Ang iba sa atin, nagtatapon ng basura sa dagat na maaaring maging sanhi ng pagdumi ng tubig, pagkalason ng mga isda at maging ang pagbaha. Ang iba naman ay nagtatapon kung saan-saan tulad ng mga bakanteng lote at kahit maging sa mga daanan.
Madaming maidudulot ang basura. Isa na rito ang pagkakalason ng mga isda at iba pang nabubuhay sa dagat. Ito rin ay nagiging sanhi ng maduming kapaligiran, maduming hangin na magiging dahilan ng pagkakasakit ng mga tao at hayop.
Upang maiwasan ang anumang mga suliraning sanhi ng mga basurang ito, dapat tayong gumawa ng paraan upang malutas ang mga ito. Ang dalawa sa kasagutan ay pagiging responsable at pagkakaroon ng disiplina. Isa sa mga paraan upang malutas ito ay ang pagsunod sa waste segregation. Ang ating bansa ay mayroong RA No. 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ito ay nangangasiwa sa pagkakaroon ng disiplina sa pangongolekta, pagtransport at ang tamang paghiwa-hiwalay ng mga basura. Mayroon ding mga programa ang mga lokal na pamahalaan upang masunod ito ng mga residente tulad ng “tapat mo, linis mo” o ang “kalat mo, pulot mo”. Kung ang bawat bahay ay maintindihan ng mabuti at matutong sumunod sa waste segregation, ito ay makakatulong ng malaki sa pagaayos ng ating problema sa basura. Isa pang paraan ay ang pagkakaroon ng disiplina. Ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lagayan ay pagpapakita ng disiplina. Pagrerecycle ng mga pwede pang magamit ay makakabawas pa sa basura. Kung tayong lahat ay magkakaroon ng disiplina, magiging responsible at matututong sumunod, tayong lahat ay makakatulong sa pagpuksa sa isa sa mga suliranin ng ating kapaligiran.
Answers & Comments
BASURA
Ni: Alvin B. Poserio