Panuto: Piliin at isulat ang titik ng inyong sagot sa inyong papel.
1. Paano makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos?
a. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung makikita sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
b. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip.
c. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung ang tao ay walang kaalaman, kaya't walang pagsang-ayon sa kilos.
d. Lahat ng nabanggit sa itaas
2. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang mag-aaral na biglang humikab ng malakas sa klase habang seryosong nagtuturo ang guro?
a. Kusang-loob
b. Walang kusang-loob
c. Di kusang-loob
d. Kilos-loob
3. Ang kilos ng tao ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Ang pahayag na ito ay
a. Mali dahil ang kilos ng tao ay ginamitan ng isip at kilos-loob
b. Mali dahil lahat ng kilos ng tao ay dapat may kapanagutan
c. Tama dahil ang kilos ng tao ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob
d. Tama dahil ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging masama
4. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o kasamaan)?
a. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at miloob ng tao gamit ang isip
b. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa
c. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya
d. Lahat ng nabanggit sa itaas
5. Nasampal ni Martha si Noel dahil sa palagiang pagkindat ni Noel sa kanya. Sa imbestigasyon na isinagawa ng guidance counselor, napag-alaman na manerismo ni Noel ang palagiang pagkindat ng kanyang mga mata. May kapanagutan ba si Noel sa kanyang kilos?
a. Oo, dahil ang kanyang kilos ay kusang-loob, may kaalaman at pangsang-ayon
b. Oo, dahil ang kanyang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang lang sa pagsang-ayon
c. Wala, dahil ang kanyang kilos ay walang pagkukusa, walang pagsang-ayon na gawin iyon dahil iyon ay kanyang manerismo
d. Wala, dahil ang kanyang kilos ay isang manerismo at wala naman siyang gusto kay Martha
Answers & Comments
Answer:
1. b
2. c
3. a
4. d
5. c
Explanation:
I hope na maka tulong syo and i hope you marked me as brainliest for me to reach yung expert if willing ka<3